Chapter 8

219 19 6
                                    

Noong gabing nakaraan ay lahat ng mga tagapaglingkod ay na gambala dahil sa biglang pagkawala ni Haring Alec. Huli na ni lang nalaman nang pagkabukas ni Heneral Rayri sa pinto ng kwarto ay tumambad sa kanilang mata ang sira-sirang mga rubing rehas. At ang mas lalong nagpangamba sa kanila ay ang sirang bintana.
   

   
    Hindi mapigilan ni Rayri na humakbang palapit sa bintanang wasak-wasak na. Makikita mo sa paraan ng pagkasira nito ay talagang napakalaking nilalang ang siyang may kagagawan sa ganitong bagay.
   
   

   
  
    Matinding inobserbahan ni Rayri ang pagkasira ng bintana hanggang ang kanyang paningin ay napunta sa walang kaingay-ingay na gubat, ang gubat ng San Saurez.
   
   

  

    Agad na kumalat ang balita sa loob ng palasyong iyon kaya lahat ng mga tagapaglingkod ay nag-aalala sa kalagayan ng Hari. Ang seguridad ng boung palasyo ay itanaas kaya hindi hinayaan ang lahat ng nilalang sa loob na lumabas upang hindi na kumalat ang balitang ito sa mamamayan ng El Lioner. Matindi ang determinasyon nang nakakataas na huwag itong ipaalam sa labas ng kastilyo upang maiwasan ang pagkakagulo.
   
   

   
    Ngunit, nang malapit nang sumilay ang haring araw ay gulat na gulat silang nakita ang kanilang Hari na may bitbit na babae. Wala itong malay at balot na balot ang katawan nito ng isang puting tela habang ang kanilang Hari naman ay walang damit pang-itaas. Ang pangyayaring ito ay nagpagulat sa kanila dahil ngayon lang nila nakita ang kanilang Hari na may bitbit itong babae sa kanyang bisig. Kitang-kita sa bawat galaw nito ang pag-iingat habang hawak-hawak niya ito.
   
   
   

    Hindi nag-abalang pansinin sila ng kanilang Hari. Patuloy lang ito sa paglalakad patungo sa loob ng kanilang Kastilyo. Wala ni isang nagtangka na magsalita sa kanilang Hari kahit man si General Rayri ay na pako sa kaniyang kinatatayuan.
   
   
   
   
   

    Hindi pa rin makapaniwala ang mga tagapaglingkod kahit sa ngayon. Ang Hari ni lang hindi makontrol kahapon ay ngayo'y makisig na nakatayo sa kanilang harapan at seryosong nakatingin sa kanilang lahat.
   
  

    "Tawagin n'yo ang lahat ng kunseho. Magkakaroon ng pagpupulong ang mga nakakataas. At bantayan n'yo ang aking kwarto," seryosong wika ni Alec. Mabilis na nagsi-alisan ang lahat at agad na naglakad sa kanikanilang trabaho.
   
   
  
   
  
   
    Mabilis na naglakad si Alec at kasabay niya namang naglakad si Heneral Rayri. Nakasunod ito sa kanyang likod at taimtim siya nitong tinitigan.
   

   
    "Rayri," pagtawag ni Alec sa atensyon ng kanyang Heneral. "Alam ko ang titig na iyan. May gusto ka bang tanongin sa iyong Hari?" Nasa loob na sila nang pribadong  kwarto ngayon kung saan nakalagay ang mga pribadong libro ng kastilyo.
   
   
   

    Kalmadong naka-upo si Alec sa isang upuan at marahang isinandal ang kanyang sarili dito. Itinuro naman ni Alec ang isa pang silyang bakante upang alokin si Rayri. Hindi naman nag-atubiling umupo ito at seryosong tiningnan ang kanilang Hari.
   
   

   
    Napabuntong hininga ito nang napakalalim,"Haring Alec huwag n'yo sanang masamain ang aking tanong. Sino po ba ang babaeng dala n'yo kanina?"
   
   

   
    "Alam mo naman siguro ang sagot sa tanong na iyan Heneral," simpleng sagot ni Alec. Kaya mas lalo itong nagbigay ng kaba sa puso ni Rayri. Tama nga ang kanyang kutob na ang babaeng walang kamalay-malay na nasa bisig ni Alec ay ang babaeng itinakda para sa kanilang Hari.
   
   

    "N-Ngunit Haring Alec papaano? Papaanong nangyari ito? Alam mo naman siguro na isa siyang tao? Napaka-imposibleng ang isang lobo ay itinakda sa isang tao." Tanong ni Rayri. Ang noo nito at kilay ay magulong nakaguhit habang nakatingin sa kanyang Hari. Ngunit, imbis na sagotin siya ng Hari ay isang simpleng ngiti lang ang natanggap niya kaya mas lalo itong nagpalito kay Rayri.
   

The Rejected MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon