Chapter 14

161 8 8
                                    

        Akala n'yo tuluyan ko na kayong na ghost ano? well... well... mga babies nandito pa rin ako.  I think I'll be back for good.
                     
                                                                            *********************



"Binibining Selene, paki-usap buksan n'yo po ang pinto." Panay ang katok at pagtawag ni Liany sa aking pangalan ngunit hindi na ako nag-aksayang sagotin ang kanyang pagtawag. Mas pinili kong magmukmok sa aking kama habang nakasubsob ang aking ulo sa gitna ng aking mga tuhod.
   
   
    Kanina pa lang umaga ay hindi na ako nag-aksaya pa at pinagtiyagaang itulak ang mga bagay na pwede kung gamitin upang gawing harang sa pinto. Kagaya ng mabibigat na mesa, bangko, at iba pang bagay.
   
   

   
    Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Lahat ng mga iyon ay tila mga larawang nagsisi-unahang magsilitawan sa aking balintataw.
   
   
  
    Mahirap unawain ang mga emosyong aking nararamdaman pagkatapos kung marinig ang mga salitang nagmula sa bibig ni Alec. Mas lalo akong nalito sapagkat kakaibang-kakaiba ito mula sa naranasan ko mula kay Batic.

Maaari ba talagang totoo ang mga sinabi ni Alec? O hindi naman kaya ay isa lang iyong panlilinlang upang makuha ang aking loob?
   
   
     Pero alin man doon, ang katotohanan ay hindi ko pwedeng hayaan na mahulog ang aking sarili sa isang napakalalim na patibong at baka ay mahirapan akong maka-ahon.
   
   
    Napahilot ako sa aking sentido sapagkat may kung anong emosyon ang siyang pilit na pumapamayagpag sa aking puso. Mga salita at pakiramdam na nagbibigay sa akin nang pag-asa. Ito yung pakiramdam na ayaw-na-ayaw kong maramdaman— yung bumibigay ang puso mo dahil sa pag-asa at posibilidad na maaari akong sumaya muli na may kasama.
   
   
   
    Gamit ang aking palad ay ipinahilamos ko ito sa aking mukha upang magising ako sa aking ulirat. Hinding-hindi pwedeng tumagal pa ako sa palasyong ito sapagkat mas lalo lang akong natatakot nasa susunod ay ako na naman ang maiiwang luhaan. Kailangan kung mag-isip ng estratehiya na maaari kong gawin upang makatakas pero napakahirap makalusot sa mga tagasunod at gwardiyang nandidito. At lalong-lalo pa ay malalaman agad nila kung sakali ay bigla  akong mawala sapagkat sa aking amoy.
   
   
    Napapitlag ako sa malakas na katok na ginawa sa aking pinto. Naghatid ito ng kaba ng madetermina ko kung sino ang taong nasa kabilang bahagi ng pinto.
   
   
   
   
    "Selene buksan mo ang pinto, nakiki-usap ako," maotoridad niyang saad na naging dahilan ng pagmanhid ng aking katawan. Muli na namang nagbabadya ang aking luha. Pilit kong  isinasantabi ang aking mga emosyon ngunit hindi ko mapigilan. Napakahirap kontrolin nito lalo na't nasa kabilang bahagi lang ng pinto si Alec. Mas lalo akong napapitlag dahil sa muling pagkatok ni Alec at mas lalo pa itong lumakas.
   
   
   
    "KAPAG HINDI MO PA ITO BUBUKSAN MAPIPILITAN AKONG GAMITAN ITO NANG LAKAS." Bigla akong naalarma dahil sa sinabi ni Alec. Narinig ko rin ang pagsinghap ng mga tagapaglingkod sa kabilang bahagi. Mabilis akong tumayo at nagpunas ng aking mga luha.
   
   
   
    "Alec paki-usap bigyan mo muna ako nang panahon upang mapag-isa, nakiki-usap ako sa'yo." Pilit kung pinapatatag ang aking boses ngunit naging mahina pa rin ang aking pagsambit. Siguro napapagod na ako sa ideyang hindi ko man lang alam kung ganito ba talaga ang mangyayari, kailangan ko munang lumayo at makapagnilay-nilay mag-isa.
   
   
   
   Narinig ko ang malalim niyan paghinga.  "Pero natatakot ako..."
   
   
   
  
   
    "Alec nagsusumamo ko, pwede bang bigyan mo muna ako ng panahon mag-isa kahit ngayon lang. Hindi ako gagawa ng kahit ano o alin mangbagay na maaari kung ikapahamak," pagputol ko sa kanyang sinabi. Wala akong narinig na sagot ngunit naririnig ko ang mga takong ng kanilang sapatos na naglalakad papa-alis. Naging maluwag ang aking hininga ngunit bigla rin akong napatayo ng diretso dahil sa boses na aking narinig galing sa lalaking nakatayo pa pala sa kabilang bahagi ng pinto.
   
   
   
    "Selene muli akong humihingi nang tawad dahil sa aking  ginawa. Hindi ko sinasadya na saktan ka, talagang hindi ko mapigilan ang init ng aking katawan sa tuwing ako'y malapit sa iyo," saad niya ngunit pinili ko paring tumahimik at magsa-walang bahala.  "Kailangan mo ring kumain ng umagahan, ipag-uutos ko na iwan ka ng almusal sa tapat ng iyong pinto." Pagtapos noon ay rinig na rinig ko ang kanyang paglakad paalis.
   
   
   
    Napatingin ako sa aking buong repleksyon sa salaming nakatayong nakatapat sa akin. Hindi pa parin ako nakapagbihis ng bagong damit. Ang buhok ko rin ay wala sa ayos samantalang ang mga mata ko naman ay mugtong-mugto mula sa kakaiyak ko kagabi hanggang kaninang madaling araw.
   
   
   
   
    Napa-upo ako sa isang bangkong katapat ng salamin. Marahang sina-ayos ko ang aking buhok at paunti-unting kinakalas ang mahigpit na laso rito. Gamit ang aking daliri ay dahan-dahang sinusuklay ang aking buhok. Tumayo na rin ako kalaunan at napatingin sa napakalaking aparador kung saan nakalagay ang magagandang damit. Malayang  tinitingnan ng aking mga mata ang napakagandang damit sa aking harapan. Sa mga tela at disenyo pa lang nito ay hindi maikakaila ang magandang kalidad nito. At ang mga kulay ng mga ito ay napakatapang sa paningin ngunit may isang damit ang siyang nagnakaw ng aking atensyon. Agad kung kinuha ang puting damit wala itong mga dyamanteng nakadesinyo kundi napakasimple lang. Agad akong nagpalit at muling bumalik sa salamin upang tingnan ang aking sarili.
   
   
   
    Matagal-tagal na ngunit ang daming nagbago sa aking katayuan at lalong lalo na sa mundong aking kinagagalawan.
   
   
   
    Napatingin ako sa buong kwarto, mapaka-aliwalas at puno ng buhay ngunit hindi man lang nito napapagaan ang aking pakiramdam. Napagdesisyonan kung humiga sa kama at taimtim na humihiling na sanay kainnin ako ng katahimikan. May iilang taksil na luha ang siyang malayang naglalakbay sa aking pisngi, tahimik akong umiiyak. At sabay na ipinikit ang aking mga mata.
   
   
   
   
   
   
   Nabuhay ang aking ulirat dahil sa kaluskos na aking naririnig.  Hindi ko na malayan na ako'y nakatulog na pala at hapit hapon na rin. Ang kaluskos ay nanggagaling sa malaking aparador ng aking kwarto kaya naging dahilan ito ng aking pagkalito. Napakalakas naman ng ingay kung ito ay isang daga lang. Maiingat akong naglakad papunta sa ingay at dahan-dahan kung binubuksan ang pinto nito at bigla akong nagulat kung sino ang nasa aking harapan.
   
   
   
    "Zaric?"

The Rejected MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon