Chapter 15

130 6 5
                                    

Hindi ko inakala na ganoon kagara ang espasyong para sa kusina ng San Saurez. Hitik ito dyamanteng marmol kung saan ay ekinurting parang mga bulaklak. Hindi mo aakalain na isa itong imbakan ng mga pagkain sapagkat para lang itong hardin na may maraming pagkain. 

Mabuti na lang at walang ni sinoman ang nandoon at baka'y mahuli kami ni Zaric na kumukuha ng pagkain. Si Zaric naman ay panay lagay ng pagkain sa aking saya na tila ba ginagawa niya itong bayong. At sa huli, ang pagkaing dala namin ay ngayo'y tambak na lang dito sa kwarto. 

Ako'y napabuntong hininga habang tinitingnan ang aking kwartong unti-unti kinakain ng dilim. Ang araw na kanina lang namamayagpag sa langit ay ngayong napalitan na ng bituin at buwan. At habang malayang nagsusumigaw ang buwan ay kasabay naman nito ang pag-iiba ng kulay ng aking buhok.

Bigla namang may gumalaw sa aking mga hita kaya napatingin ako sa batang lalaking tahimik na nakasanday. Si Zaric ay nakangiting nakatingin sa akin at mahinhing hinawakan ang aking buhok. Ang mga mata niya'y pilit nang pumipikit ngunit kitang-kita na pinipigilan niya ito. 

"Napakaganda mo Ate," bulong ni Zaric at saka'y ipinikit ang kanyang mga mata upang matulog muli. Napangiti ako sa kanyang sinabi at saka ay isinaayos ang kanyang kumot.

"Salamat Zaric," mahina kong sagot at saka ay dahan-dahang tumayo sa aking higaan. "Ngunit pasensya sa aking gagawin ngayong gabi. Siguro'y ito na ang huli tayong pagkikita."


Habang tahimik pa ang gabi ay napakagandang pagkakataon ito upang lumayo at takasan ang lugar na ito. Ayaw kung maranasan ulit ang mga nakaraang hindi ko inaakalain. Natatakot ako sa aking sarili at sa lugar na ito sapagkat parang nasasanay ako sa init at katahimikang inihahandog nito sa akin. Natatakot ako na baka'y panaginip lang ito kaya kung maaga pa ay kailangan kung gisingin ang aking sarili sa imahinasyon ng mundong ito.

Tahimik akong naglalakad na walang sapin sa paa upang hindi makagawa ng ingay sapagkat ang mga lobo ay napakasensitibo sa ingay. Maingat kong inaabot ang damit na aking susuotin ngayon sa aking pagtakas. Isang dilaw na saya ang aking napili, may magaan itong tila kaya kung tangka ko mang tumakbo ay hindi ito magiging balakid.

 

Malamig ang sahig dahil sa ito ay konkreto ngunit kailangan kong  magtiis.  Ipinusod ko ang aking buhok upang itago ang mala-dyamanteng puting kulay nito. At ang sombrerong naka konekta sa aking sobretodo ay ginawa kung pang-takip sa aking buhok.


Pilit kung tinatandaan ang mga daanang dinaanan namin kanina ni Zaric at ang mahiwagang salitang kanyang binigkas upang mabuksan ang lihim na lagusan. Bago ko mapagdesisyonang umalis sa kwartong aking kinalalagyan ay napadungaw ako sa hardin, ang susi kung saan maaari akong makalabas. Kanina pa ako masikap na gumagawa ng mapa sa aking isipan.

Sa aking pagbuntong hininga ay sinimulan ko nang tahakin ang lihim na lagusan sa pader. At tulad ng aking inaasahan ay bumungad sa aking harapan ang mga maliliit na ilaw na kulay asul. At aakalain mong sumasabay ito sa indayog ng ritmo ng kalikasan sapagkat marahan itong gamagalaw kasabay ng hangin. At sa bawat pagdampi nito sa mga bulaklak ay mas lalo itong kumikislap na tila ba parang apoy na sumisiklab.

Agad na hinanap ng aking mga mata ang mahiwagang bulaklak na Fraska, agad ko 'tong ni lukot gamit ang aking palad at piniga ng piniga upang makuha ang katas nito. Gamit ang katas nito ay maaari ko 'tong gamitin upang maitago ang aking amoy habang masikap na pinag-aaralan ang daan palabas. Marahan kung pinahid ang katas nito sa aking leeg at pati na rin sa aking suot na damit.

Habang sa aking paglalakbay saloob ng pasilyo ay mas lalong naging mahiwaga ang boung kapaligiran sapagkat may tila may naririnig akong boses. Isang tinig ang aking naririnig na nanggagaling sa konkretong ding-ding. Ang boses nito ay tila nagbibigay ng kilabot sa aking balat kaya nagbibigay ito kaba sa aking dibdib. Hindi ko mapigilan ang aking mga kamay na manginig dahil sa hindi mapangkaraniwan sitwasyon ngayon. Pakiramdam ko'y may buhay na nilalang ang siyang nabubuhay sa pader.

The Rejected Mateजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें