Prologue

122 7 0
                                    


PROLOGUE

Sa Heaven 1, dito nakaatas ang mga anghel na tumutulong sa mga tao upang magtagumpay sa buhay. Iba't ibang klase ang mga anghel na naririto. Bukod sa kanila ay dito rin matatagpuan ang mga anghel na tumutulong sa mga tao upang magsumikap sa pag-aaral, sa passion at sa pagiging mapagkakatiwalaan.

Nasa loob ng isang magarang kuwarto ang Head Manager ng Life Success Department at pinagmamasdan ang mga dokumento ng mga tao.

Nakaupo siya sa swivel chair at ini-isa-isa ang mga detalye sa bawat dokumento. Kapansin-pansin sa kaniya ang isa.


Name: Shane Loki
Age: 28

Status: Single

Previous events:

-Na-scam sa isang online shopping website

-Namatayan ng alagang pusa

-Nalugi ang negosyo at natatakda nang magsara

-Nanakawan ng phone


Tiningnan din niya ang humanity score sa dokumento:

Humanity score: 90% (recorded in one year)


Ang humanity score ay ang batayan ng mga anghel kung tutulungan nila ang isang tao. Kapag lagpas sa 70% ang humanity score ng isang mortal ay dito sila magsisimulang gumawa ng paraan upang tulungan ang nasabing nilalang.

Sa kaso ni Shane Loki, napakataas nito at nangangahulugan itong napakabuti ni Shane at bihira lamang makagawa ng kasalanan.

"Napakabuti ng taong ito ngunit bakit napakasaklap ng mga nangyayari sa buhay niya nitong mga nagdaang araw?" pagtatanong nito sa sarili.

Pinindot niya ang isang bell sa table at sa isang pikit-mata ay dumating ang secretary niya na nagliliwanag sa kaputian.

"Secretary Yowa, ano pang ginagawa ninyo at hindi niyo pa tinutulungan ang dalagang ito?" pangunguwestiyon ng Head Manager at itinapat kay Secretary Yowa ang dokumento ni Shane.

"Ah si Shane Loki? Maging ako'y nanghihinayang. Sa nakalipas na limang araw, ni hindi sumagi sa isip niya ang ating Hari. Tila nakakalimutan na niyang isandal ang kaniyang tiwala sa Hari. Labis na nagtatampo ang Hari sa mga taong hindi Siya inaaalala."

"Naiintindihan ko. Kung gano'n, hintayin nating maalala niya ang Hari at magpasalamat at magdasal."

"Hindi lamang iyon, Head Manager. Kagabi ay uminom siya ng ipinagbabawal na alak. Alam nating hindi natutuwa ang Hari sa mga taong umiinom ng alak dahil nagiging sanhi iyon ng iba't ibang krimen."

"Kawawang mortal. Marahil ay kaya niya ginawa iyon ay dahil gusto niyang kalimutan ang kaniyang problema. Ganunpaman, naiintindihan ko ang Hari kung bakit hindi pa Siya umaaksyon. Napakalaking kasalanan ang pag-inom ng alak."

"Ang mabuti rito, ito ang unang beses na uminom siya ng alak kaya malaki ang tiyansang maagapan pa ito."

"Ito ang unang beses?"

"Opo, Head Manager."

"Kung gano'n, bakit? Anong nagtulak sa kaniya na uminom?"

"Base sa record na ipinasa sa akin ng Bad Deeds Section, mahilig siyang manood ng mga pelikula kung saan ang ginagawa ng mga bida ay umiinom ng alak kapag may problema. Kaya marahil ay nag-udyok iyon sa kaniya upang gayahin ang nasabing kasalanan."

"Pero alam naman niyang ipinagbabawaal ang pag-inom ng alak, hindi ba?"

"Nasa tama siyang landas at nakasulat iyon sa banal na aklat kaya't alam niya iyon."

"Iba talaga ang nagagawa ng depresyon. Kunsabagay, sinusubok ng Hari ang pananampalataya ng mga mortal sa mga ganitong klaseng suliranin. Nakakalungkot lang na hindi niya ito nalagpasan. Buweno, Ang Hari ang pinakamapagpatawad sa lahat kaya't siguradong mapapatawad din siya sa oras na humingi siya ng kapatawaran. Sabihan mo na lang ako kapag nangyari na iyon."

"Masusunod, Head Manager—ah nga pala, anong gagawin ninyo kapag nakahingi na ng tawad sa Hari ang mortal? Anong tulong ang maaari nating ibigay sa kaniya?"

"May naisip na ako. Magkatawang-mortal ka at ibigay mo sa kaniya ang isang itlog."

Napaisip si Secretary Yowa. "Anong itlog iyon?"

"Isa iyong itlog na sa oras na mapisa ay magbibigay tulong sa kaniya upang makabangong muli." 

Send The Egg To The BookstoreWhere stories live. Discover now