Chapter 15: The Year Book

26 1 0
                                    

CHAPTER 15

Nasa office ako ngayon at binabantayan ang inventory ng mga libro sa computer. Nasa labas naman si Adonis at hindi ko alam kung ano ang ginagawa.

Mayamaya ay bumukas ang pinto, at iniluwa no'n si Ciara.

"Oh, sinong nagbabantay sa labas?" tanong ko.

"Si Adonis. Siya muna ang pinagkaha ko."

"Bakit may sasabihin ka ba sa akin?" I asked.

Umupo siya sa upuan na sa tabi ko. "So, ayun na nga. Hindi naman sa nanghihimasok ako, ah. Pero naku-curious talaga kami nina Rich at Veronica sa inyo ni Adonis nitong mga araw. May problema ba kayong pinagdadaanan ngayon?"

Nagbuntong-hininga ako at tinigil ko muna ang pagtse-check sa inventory.

Hinarap ko siya nang masinsinan.

"Sorry, mukhang nadadamay pa kayo sa maliit na quarrel namin ni Adonis."

"No it's okay, natanong lang namin dahil napaka-odd nito sa inyo. Ano bang nangyari? Anong pinag-awayan niyo?"

I don't know if this is the right thing to do, but I'm gonna do, anyway. Nakagaanan ko na rin naman ng loob si Ciara kaya siguro'y siya ang best person para paglabasan ko ng hinahaing tungkol sa love life ko.

I sighed again. "Nag-confess ako sa kaniya. At kung ano ang sinabi niya sa 'yo, gano'n din ang sinabi niya sa akin," tugon ko. "Sinabi niyang huwag kong i-attach ang sarili ko sa kaniya."

Nagbuntong-hininga si Ciara. "Do you think he doesn't feel attractive to women?"

"Hindi iyon ang rason. Sadyang pupunta lang talaga siya sa malayong lugar."

"Saan ba kasi ang malayong lugar na iyan? At saka, may social media naman ngayon. Hindi rason na dahil pupunta siya sa malayong lugar."

Tama ang sinabi niya. Kung alam lang niya ang totoong pagkatao ni Adonis, hindi na sana siya mababagabag ngayon.

"Kunsabagay, kung gusto may paraan. Kung walang gusto, magpapalusot," dagdag niya.

"Alam mo bang ito ang unang pagkakataon na na-in love ako nang ganito. Nakakabaliw."

Nagulat siya sa sinabi ko. "Wae? Ilang taon ka na ba?"

"Twenty eight."

"Seryoso? Eh mabuti naman pala't dumating sa buhay mo si Adonis, dahil kung hindi, baka mahirap paniwalang tao ka."

"Nagkaka-crush din naman ako. Siyempre tao rin ako. Pero ito ang unang pagkakataon na magmamahal ako nang ganito. Kahit na ang corny ko pakinggan."

"Naku, ganiyan talaga, Shane kapag nai-in love ka, pakiramdam mo hindi na ikaw ang dating ikaw."

"Bakit ikaw? Nakaka-ilang love life ka na ba?"

"Nakakatatlo pa lang."

"Marami na iyon para sa isang 24 years old," sabi ko.

"Hindi naman issue rito kung marami o hindi. Ang issue ay kung ilan ang loyal. But yeah, hindi dapat ako pumatol sa guwapo dahil lapitin iyon ng babae. Minsan na nga lang magkaroon ng guwapong loyal, hindi pa ako type," sabi niya. Mukhang si Adonis ang tinutukoy niya.

"Kaya pala hindi na kayo nagpapansinan. Alam mo, kung gusto mo talaga si Adonis, ipakita mo sa kaniya 'yon. Tigil-tigilan mo na ang katatampo. Huwag mong hintaying suyuin ka niya dahil hindi mangyayari iyon. Hindi mo naman kailangang humingi ng kapalit, kung gusto mo talaga siya, dapat makontento ka na nagkakasama kayong dalawa. Parang ako, tinanggap ko nang hindi niya ako magugustuhan. Though, may hope ako pero hindi ako nage-expect."

Send The Egg To The BookstoreWhere stories live. Discover now