Chapter 10: Business Offer

28 0 0
                                    

FINALLY! The second book signing has come! Mas dinumog ang bookstore ngayon kumpara sa dati. Mabuti na lang at nagdagdag ako ng dalawang counter. Ini-hire ko iyong dalawa kong cashier sa dati kong bookstore na nagsara na ngayon. Temporarily lang naman ito dahil hindi naman araw-araw ay ganito kagrabe ang pila. But one thing for sure ay madadagdagan ng isang counter ang bookstore permanently any time soon.

Naging maayos naman ang second book signing dahil napaghandaan namin ito kumpara noong una. As usual, maraming naubusan.

Tingin ko, kailangan ko nang mag-online selling ngayon para mas maging convenient sa readers ang pagbili, especially iyong mga nasa probinsya. I'll do that next time.

The next day, nasa counter ako at nasa tabi ko si Adonis na umiidlip muna. Nakapatong ang ulo niya sa may mesa ng counter. Kanina ko pa pansing panay ang hikab niya at heto't mukhang hindi na niya kinaya pa kaya ngayo'y natutulog na. 

Paanong hindi siya aantukin eh hindi siya natulog kagabi. Magdamag siyang nagsulat ng panibagong novel na sinimulan niya.

Gusto ko nga sanang basahin iyon pero sinabi niyang huwag muna. Gusto niyang matapos muna iyon saka ko basahin. I respect his decision naman. 

Inalog ko ang balikat ni Adonis. "Adonis, mananakit ang likod mo niyan. Sa loob ka ng office ka matulog," paggising ko sa kaniya.

Nagising naman siya at namumula ang mga mata niya, may mark pa ng kamay niya sa kaniyang pisngi.

"Nakatulog pala ako," sabi niya.

"Doon ka na matulog sa loob. Ako na ang bahala rito."

"Okay lang ba?"

"Oo naman. Wala kang dapat na ipag-alala. Wala namang gaanong customer ngayon."

"Okay sige. Matulog lang ako." At pumasok na nga siya sa office.

Nasa may bookshelves naman si Rich at inaayos ang mga libro. Nakangiti siya at sumisipol-sipol pa. Noong nagsimula kasing tumaas ang sales ng bookstore ay nilakihan ko rin ang sahod niya. He deserves all of it.

Mayamaya'y may pumasok na isang babaeng nasa around 50's ang age. Pinagmasdan niya ang bookstore na tila inoobserbahan ito. She looks expensive with her black dress and hat. She has an obvious wrinkles on her face. But I can say she was pretty when she was young.

Tinitingnan ko lang siya at hinihintay na lapitan ako, which she did.

"Welcome po," pagbati ko sa kaniya nang nakangiti.

"Good afternoon, miss! Ikaw iyong owner ng bookstore, right?"

"Yes po, ma'am."

"Can I talk to you for a while? I just want to talk about business with you."

Napaisip ako sa sinabi niya.

"Business? Sure," sabi ko. "Rich!" tawag ko sa binata at nilingon naman niya ako at mabilis akong nilapitan.

"Yes, ate Shane?"

"Ikaw muna ang magbantay sa counter," sabi ko. I have 100% trust on him. I've been monitoring him on CCTV's and I know how trustworthy a person he is.

"Okay, ate Shane!" sabi ko at lumabas ako ng counter at pumalit naman siya.

"Dito tayo, ma'am!" sabi ko at nagtungo kami sa may sofa na nasa gilid at doon umupo.

"Do you want to drink something?" tanong ko.

"No. Tapos na akong kumain sa kabilang restaurant together with my husband."

"Alright. Ano nga pa lang business iyong tinutukoy niyo?"

"Before that, ako nga pala si Mrs. Clarisse Pineda. Matagal ko nang minamanmanan ang bookstore na 'to at napansin ko ang pagdami ng tao magmula nang i-publish niyo ang libro ni Adonis. And I found out wala siyang contract sa ibang companies. So, I guess, you used his books to earn more."

Send The Egg To The BookstoreWhere stories live. Discover now