Chapter 16: Larry Mila

29 1 0
                                    

KAMI na lamang ni Adonis ang nasa bookstore. Nasa counter siya at ipinakita ko sa kaniya ang yearbook ni ate. Itinuro ko ang picture ni Larry Mila, at gano'n na lamang ang pagkamangha sa mga mata niya nang makita ang picture sa yearbook. His eyes look mindblown.

"Kung gano'n, totoo pa lang kamukha ko ang lalaking sinasabi no'ng babae kanina!" komento niya nang nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat.

"Hindi! Hindi ako naniniwalang magkamukha lang kayo! Siguradong iisang tao lang kayo!" sabi ko.

Muli niyang tiningnan ang litrato.He looks so confused. "Iisa lang kami? P-paano mo iyon nasabi? Atsaka bakit wala akong maalala?" Nanlaki Ang mga mata Niya sa naisip na ideya. 'Hindi kaya kasama iyon sa mga alaalang binura Ng langit?"

"Tumpak! Nakuha mo rin! Sigurado akong nasa siyudad ka lang. Who knows? Baka katulad ang sitwasyon mo ngayon ang mga nasa fiction. Baka na-comatose ka at nasa kung saang ospital lang. At kapag nagtagumpay ka sa misyon ay saka ka magigising!" sabi ko.

Alam kong nonsense ng sinasabi ko. At dahil sa hope ko, iyon ang gusto kong paniwalaan. Umaasa akong may happy ending ang kuwento naming dalawa.

Napangiti siya sa sinabi ko.Tila nabigyan ko siya ng pag-asa na magkakasama pa kaming dalawa.

"Ang ibig mong sabihin, may tiyansa na. . . hindi pa talaga ako patay at na-comatose lang?"

Tumango ako habang abot-langit ang ngiti sa mga labi.

"Ang ibig sabihin no'n, hindi mo na kailangang bumalik sa langit! Baka magigising ka rin!" sabi ko. Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko siya habang nagtatatalon nang mababa. Ramdam ko rin ang ngiti sa buong pagkatao niya.

"Ang ibig sabihin no'n, makikita ko pa ang mga magulang ko at mga kapatid ko kung mayroon man?"

"Oo!" sabi ko habang tumatanda.

Dahil sa sinabi ko ay nagdulot iyon ng lubhang kagalakan kay Adonis. Sa puntong nayakap niya ako pabalik. Tumatalon-talon kami na parang mga bata.

"Mananatili pa ako sa mundo, Shane! Walang kalagyan ang tuwa sa puso ko! Makakasama ko pa kayo!"

Inilayo ko na ang katawan ko sa pagkakayakap niya.

"Huwag kang mag-alala, bukas, iisa-isahin ko ang lahat ng mga hospital para hanapin ang katawan mo."

Nawala ang ngiti sa labi niya nang tila may na-realize siya. "Shane, wala nga pa lang kasiguruhan ang lahat ng mga sinasabi mo."

"Oo, walang kasiguraduhan pero naniniwala akong totoong tao ka—na hindi ka namatay noong sanggol ka pa lang na kagaya sa hinuha ko noon."

"Pero wala pa namang kasiguruhan kung ako ba talaga si Larry Mila."

"Hindi mo ba narinig ang sinabi no'ng babae? Nagsusulat ka na raw talaga magmula noong elementary ka. Ang ibig sabihin, kaya ganito kaganda ang mga naisulat mo ay dahil may experience ka na talaga sa pagsusulat."

Dahil sa sinabi ko ay napangiti siya. Ramdam ko sa mga mata niya ang tuwa at pagkasabik dahil sa mga rebelasyong unti-unti naming nalalaman.

"Ang ibig sabihin, hindi na tayo magkakahiwalay," sabi niya sa seryoso at sweet na tono na ikinagulat ko. It feels so weird.

"O-oo naman. Hindi na tayo magkakahiwalay."

"May ipagtatapat ako sa 'yo, Shane," sabi niya. Bumilis ang kabog sa dibdib ko habang nagtatama ang mga mata namin sa isa't isa.

"Ang totoo, gusto rin kita!" sabi niya na ikinabigla ko. Hindi ko alam kung paano magrereak sa confession niya.

"Kaya hindi ko iyon sinasabi sa 'yo ay dahil ayokong paasahin ka. Alam kong mas masasaktan ka kapag alam mong gusto rin kita. Mas madali mo akong makakalimutan no'n. Pero ngayong nagkaroon ng pag-asa sa puso ko, ayaw ko ng itago pa ang nararamdaman ko para sa 'yo."

Send The Egg To The BookstoreWhere stories live. Discover now