Chapter 5: The Reunion

40 2 0
                                    

NAGPUNTA kami ni Adonis sa isang dress shop sa mall upang bumili ng pinakamagandang damit na puwede niyang masuot bukas. Habang naglalakad kami ay napapansin kong ninanakawan ng tingin ng ilang kababaihan itong si Adonis.

Nakakamangha naman talaga kasi ang taglay nitong kaguwapuhan. 

"Shane," bulong sa akin ni Adonis.

"Yes?"

"Pansin ko lang, kanina pa nakatingin sa akin ang mga tao? May dumi ba sa mukha ko?" tanong niya nang sincere. Wala siyang kaide-ideya na kaya nakatingin ang mga ito ay dahil napaka-attractive niya.

Iniharap niya ang mukha niya sa akin upang ipa-check sa akin kung may dumi nga ba roon. Pinagmasdan ko naman iyon. At wala akong nakitang dumi. He's perfectly fine.

"Wala naman."

"Bakit kaya sila nakatingin?" Nag-isip siya. "Hindi naman kaya may nagawa akong mali?"

Ngumiti ako nang palihim, then I shrugged. "Well, siguro. Malay mo. Baka hindi mo lang maalala," pang-aasar ko.

Napaisip siyang muli. "Ano kaya iyon? Wala naman akong maalalang may ginawa akong kalokohan," inosente niyang tanong sa sarili.

Napatawa naman ako nang magaan. Napaka-cute talaga niya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang dress shop. Tumingin-tingin kami ng mga damit sa male's apparel section. 

"Nga pala, Shane, may I ask a question?"

"Sure."

"Nagka-boyfriend ka na ba dati?"

"Hindi. Muntikan lang," I said while I was checking a blue shirt that caught my attention.

"Muntikan? What do you mean?"

Ibinalik ko sa bakal ang naka-hanger na blue t-shirt at tumingin sa kaniya. "Ganito kasi iyon. Noong college ako, niligawan ako ng kaklaseng si Anton, naging mabait siya at naging pa-fall hanggang sa mahulog ang loob ko sa kaniya. Tapos ayun na nga, no'ng araw na magtatapat na dapat ako ng feelings sa kaniya at sasagutin na siya, nalaman kong sila na pala no'ng isa kong friend—na ex friend ko na ngayon. Sobrang sakit no'n."

I then continued searching for a better t-shirt that's suit to Adonis' body.

"Ah... then, after that, naging single ka na? Kumbaga, takot ka ng magmahal?"

Nag-isip ako.

"Ahm. . . not exactly. Oo—siguro one of the reasons iyan—pero hindi iyan ang main reason ko. Gusto ko kasing mag-focus sa business. Nainggit kasi ako kina ate't kuya na successful na sa negosyo ngayon."

"Good then. Pero alam mo bang dapat pasalamatan mo pa iyong ex-friend mo dahil inakit niya iyong si Anton, why? Kasi kung hindi niya iyon ginawa, magiging kayo no'ng lalaki. It's better to be single than having a relationship with that kind of a man."

"True. Pero at the end, masakit pa rin. Siguro kung hindi ko friend iyong babae, okay lang, mapapasalamatan ko pa siya nang personal, kaya lang katabi ko siya habang nililigawan ako ni Anton, that's very hurt," sambit ko habang inaalala ang mga panahong iton. It doesn't hurt me anymore kaya komportable na akong pag-usapan iyon sa iba.

"Kunsabagay, wala pa naman ako sa posisyon mo para makapagsalita ng mga ganiyan."

"Eh ikaw? Nagka-jowa ka na ba?"

Umiling siya. "Wala akong maalala. But I don't feel I have."

"Kunsabagay, anyway, mabalik tayo sa usapang ikaw, galing ka sa langit."

Send The Egg To The BookstoreWhere stories live. Discover now