Chapter 4: The Adult

45 4 0
                                    

UMAWANG ang bibig ko habang pinagmamasdan and adult Togepi. Napakakisig kasi niya.

Teka, kung lumaki siya ngayon, ang ibig sabihin. . .

Inangat ko ang kumot na nakapatong sa katawan niya upang tingnan kung may damit ba siya. And I found out na napunit ang damit na siya niyang suot nang matulog siya kagabi. Nasa kaniyang katawan pa naman niya ito pero kitang-kita ko ang nipples niya at malulusog niyang chest. Hindi ko na sinubukan pang silipin ang bandang ibaba ng katawan niya dahil sigurado akong napunit din ang short na suot niya kagabi. Baka kung ano pa ang makita ko.

Natataranta, nagpaikot-ikot sa kuwarto, aligaga, napasabunot sa buhok at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Paano na 'to ngayon?

Nahihiya akong makipag-usap sa kaniya for some reason.

Kaagad muna akong naghilamos sa rest room sa labas ng bedroom ko at inayos nang mabuti ang hitsura. Nahihiya akong makita niya ako sa hitsurang bagong gising. Ewan ko ba pero nako-conscious ako. Sobrang guwapo talaga kasi niya—dinaig pa si Adonis ng Greek Mythology. Ang tangos ng ilong niya, ang manly ng shape ng jawline niya, ang kapal ng kilay niya, ang haba ng pilik-mata niya.

Nang bumalik ako sa kuwarto ay nagbihis ako nang maayos. Nagsuot ako ng jogging pants at t-shirt na maluwag.

Mayamaya'y marahang dumilat ang mga mata ni Togepi. Nagkatitigan kami nang ilang sandali saka siya unti-unting bumangon. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakaupo mula sa pagkakahiga ay pinigilan ko siya.

"Wait! Humiga ka lang!" sabi ko na kaagad naman niyang sinunod.

Taranta akong naghanap ng damit na bagay sa kaniya. Nakahanap ako ng isang plain t-shirt at flowery jogging pants sa drawer at ipinatong sa kama.

"Nasira iyong damit mo. M-magdamit ka muna. M-m-magluluto muna ako ng agahan sa baba," sabi ko at dali-daling bumaba. Kamuntikan pa akong mapatid sa may hagdan. Mabuti na lang at nakakapit ako sa handrail.

***

NANG nasa kusina na ako habang sinasangag ang kanin kagabi ay isip-isip ko si Togepi. Ngayong lumaki na siya, napapaisip ako sa kung anong paraan niya ako matutulungan sa negosyo ko.

Speaking of Togepi, pumasok siya sa kusina na ikinakaba ko. Bumilis ang kabog ng dibdib ko.

"Good morning!" pagbati niya nang nakangiti. Na-flatter ako sa ngiti at boses niyang napaka-masculine. Nilapitan niya ako at umupo sa upuan na nakapuwesto sa kinauupuan ko.

"G-good morning din po," sabi ko.

Nagtataka niya akong tiningnan. "Oh, bakit ka gumagamit ng 'po'?"

"H-hindi ba 30 years old ka na?" Hindi ako komportable. Sobrang guwapo talaga niya. Para akong matutunaw sa hiya.

"Kaya nga. Hindi ko inasahan na ngayong araw na ako magiging adult. But anyway, dalawang taon lang naman ang pagitan natin. Hindi mo kailangang maging masyadong formal."

"Ah. . . ano bang gusto mong itawag ko sa 'yo?"

"Ikaw na ang bahala, ate Shane."

Ngayong naging adult na siya, Togepi pa rin ba ang itatawag ko sa kaniya? Ang weird lang kasi at nakakatawa. Hindi bagay.

"S-sige, Togepi. Pag-iisipan ko kung ano ang itatawag ko sa 'yo. Sa ngayon, maupo ka lang dyan. Malapit nang maluto itong agahan natin," sabi ko at binalikan ang sinangag na kamuntikan pang masunog.

"Salamat," nakangiti niyang saad. Naniningkit ang mga mata niya sa tuwing ngumingiti. Lumalabas din ang dimples sa pisngi niya. I've never seen this handsome in my whole life. Para siyang isang fictional character.

Send The Egg To The BookstoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon