Chapter 8: Movie & Jealousy

33 0 0
                                    

"Good morning!" pagbati ni Adonis sa akin nang magising ako. Nakangiti pa siya.

Bumangon ako at nalamang nasa kama na pala ako nakahiga. Doon ko lang naalala na binuhat nga pala niya ako kagabi. Bigla naman akong kinilig pero itinago ko na lang iyon.

"Tapos ko nang bilangin iyong pera. Sakto naman siya sa amount na nakalagay sa database ng computer," sabi niya.

"Tapos mo na? Kung gano'n, salamat!" namamangha kong sabi.

"Anyway anong oras tayo manonood ng The Psychic Club?"

"Mamayang hapon na lang," tugon ko.

Natigilan kami nang makarinig kami ng ingay mula sa labas. Mukhang marami yata ang nagkukumpulan sa labas. Umakyat ako sa second floor kung saan nakatambak ang mga libro. Sumilip ako sa may bintana at nagulat ako nang makitang andaming tao sa baba sa bandang entrance ng bookstore. They look like they were waiting for something.

Wala naman akong naaalala na may inanusyo akong may book signing ngayong araw. 

Hindi kaya naparito sila para lang makita itong si Adonis? Well, imposible. Sa success ba naman ng book signing kahapon, hindi na dapat ako nagulat na dudumugin ang book store in a daily basis.

Baka hindi pa naka-get over ang fans niya kahapon kaya nandito sila't bumalik para lang makita 'tong kasama ko.

"Anong meron?" tanong ni Adonis na sinundan pala ako. Then nakisilip din siya sa bintana. "Whoah! Andaming tao! Ako ba ang dahilan kaya sila nandito?"

"Malamang gusto ka nilang makita."

"Eh anong gagawin natin?"

"Sige ako na ang bahala. Basta 'wag kang lalabas, okay?" sabi ko. "Dito ka lang."

Tumango siya nang nakangiti na parang isang inosenteng bata.

Bumaba ako at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang napakaraming estudyante at mga kababaihang nakasibilyan.

"Nasaan si kuya Adonis?" tanong ng isang fan.

"Wala siya rito. Hindi siya rito nakatira."

"Ay ganun? Kailan siya uli pupunta rito?" tanong ng isa.

Sumagot ang isa. "Ang sabi ng friend ko dito raw siya nagwo-work! Kaya for sure makikita natin siya rito."

"Actually, hindi kami magbubukas ngayong araw kaya hindi niyo siya makikita ngayon. Kaya mabuti pa, umuwi na lang kayo," payo ko nang mahinahon.

"Ay ganun?" nadidismayang sambit ng isa.

"Eh kailan po magkakaroon ulit ng book signing dito?" tanong ng isa.

I haven't thought of that one.

"Ah—" Nag-isip ako. "Balitaan na lang niya kayo through social media account niya. Pero anytime soon, siguradong makakapag-book signing siya ulit sa inyo! Stay tune!" sabi ko.

"Teka, may I know who are you?" tanong ng isang estudyante.

"Ako ang bookstore owner."

"I-iyon lang, right? Wala naman kayong relasyon, 'di ba?" tanong ng isang babae— Siya iyong magandang babae noon na nagbigay ng calling card kay Adonis. Tandang-tanda ko ang mukha niya dahil aminado akong maganda siya. From now on, I will call her Calling Card Girl.

Namula ako sa tanong niya. Ewan ko ba kung bakit. "Wala, 'no. Wala kaming relasyon," tanggi ko. It was the truth.

Tila nakahinga naman nang maluwag si Calling Card Girl dahil sa sinabi ko. Pati iyong iba pa.

Send The Egg To The BookstoreWhere stories live. Discover now