Chapter 6: Recommendation

47 2 0
                                    

NAKALIPAS ang ilang mga araw.

Gumulat sa amin ni Adonis ang notifications na bumaha sa Wattpad account niya—mga komentong nakakataba sa puso na siyang dahilan ng sayang nararamdaman namin ngayon. Nag-uumapaw ito.

Some comment were saying:

"Who's here after Haqqryo's recommendation?"

Puro mga gano'n ang karamihan sa mga nabasa namin. Nang i-search ko ang profile ni Haqqryo, isa rin pala itong writer na mayroon ng 2 million followers. Marahil ay nagustuhan niya ang kuwento at dahil sa post niya'y naengganyo ang fans niya na basahin din ang kuwento ni Adonis. Nagsilbi itong daan upang ma-discover ang gawa ni Adonis kaya anlaki ng pasasalamat namin sa kaniya.

Nagdaan pa ang tatlong araw hanggang sa naging trending sa Twitter ang story na siya talagang nagpa-boost ng engagement dun sa kuwento. Sa loob lamang ng dalawang linggong pagkaka-post sa Wattpad ng story ni Adonis ay umabot na ito ng 100,000 reads. As in nakaka-shock ang mga nangyayari! Gano'n kabilis!

Nakatanggap din kami ng iba't ibang offer mula sa mga publishing company ngunit hindi muna namin ito pinansin. 

Nakaisip kasi ako ng ibang paraan, gusto kong magkaroon ng book signing si Adonis sa bookstore ko at ise-self pub namin ang novel niya. Base kasi sa dami ng nagre-request ng physical copies, mukhang naamoy ko na ang malaking perang paparating!

Ngayon kumbinsido na ako na sa ganitong paraan ako matutulungan ni Adonis sa pag-unlad ng negosyo ko! That angel disguised as an old woman, she was really serious when she said that egg was a reward for being a good person! 

Nasa kusina kami ng bahay ni Adonis at nakasuot ng damit pambahay. Pareho kaming kumakain ng pizza at soda na in-order namin sa isang app. Alas-dose na ng hatinggabi pero gising pa rin kami. Masyado kasi kaming nao-overwhelm dahil sa suporta ng fans sa puntong hindi na kami makatulog dahil sa maraming notifications na galing sa kanila.

"Adonis, gusto ko lang hingin ang consent mo," tanong ko sa kaniya nang may ngiti sa mga labi habang hawak-hawak ang isang slice ng pizza. Nang matapos magtanong ay saka ko kinagatan iyon.

"Para saan?" tanong niya habang ngumunguya.

"Ise-self publish ko kasi ang The Fairy mo. Magpapa-print ako ng two thousand copies," masaya kong pagbabalita na dahilan upang lumawak ang ngiti sa mga labi niya. Binilisan din niya ang pagnguya ng kinakain niya hanggang sa nilunok niya iyon.

"Talaga! Ipa-publish mo!"

Tumango ako. "Oo! Siguradong kikita tayo ng malaki roon! Anlaki kasi ng demand ng story mo!"

"Sige sige! No problem. Tulad nga ng sabi ko noon, basta para sa bookstore, lahat gagawin ko!"

"At saka kung okay lang sa 'yo, gusto ko sanang magkaroon ka ng book signing event sa bookstore after ma-print iyong copies."

"No problem, Shane! I'll do my best para mapataas ang sales ng bookstore!"

"Maraming salamat, Adonis! Hulog ka talaga ng langit sa akin!—literal!"

"Huwag mong kakalimutang pasalamatan ang langit, Shane, sila ang naghulog sa akin para sa 'yo."

Hindi ko na siya sinagot ngunit nginitian ko siya. Nakaka-in love talaga ang mga taong relihiyoso.


***


KINABUKASAN, nabigla kami dahil umaga pa lang ay sobrang dami na ng mga pumapasok sa book store. Halos lahat ay mga estudyanteng babae na nakauniporme. Nagkalat sila sa iba't ibang parte ng bookshelves habang palihim na sumusulyap kay Adonis na nasa tabi ko at nagbabasa ng isang libro.

Send The Egg To The BookstoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon