Chapter 1: The Egg

90 3 0
                                    


Nagising akong nasa lilim ng isang puno. Mainit ang kamay ko sa hindi ko alam na kadahilanan.

Nang bumangon ako ay nakita ko ang Swift Plaza. Maraming puno sa paligid at mga bench. Nasa likod din ako ng mataas na halamanan.

Kaya pala mainit ang kamay ko ay dahil nasisinagan ito ng araw kanina pa habang tulog ako.

Habang. . .

Tulog. . .

Ako?

Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyang rumehistro sa utak ko kung ano ang nangyari. Ang huli kong naaalala ay nagtungo ako sa burol ng alaga kong si Mort. At dahil sa sobrang lungkot ko ay nagtungo ako sa isang bar kung saan nagbebenta ng mga alak.

Teka, uminom ba ako ng alak?

Napasabunot na lang ako sa aking ulo nang maalala iyon. Nakagawa na naman ako ng kasalanan. Pangalawang beses na 'to! Hindi dapat ako uminom ng alak!

Paano kung na-rape ako rito?

Tiningnan ko ang damit ko at mukhang wala namang nanghubad sa akin. Mabuti naman!

Tinanggal ko muna ang ilang muta sa mga mata ko at sinuklay gamit ang kamay ang buhok ko upang umayos iyon. Tiningnan ko rin ang mukha ko sa salamin ng foundation ko. Napaka-haggard ko. Typical na mukha ng babaeng bagong gising.

Nang buksan ko ang bagong bili kong phone ay tumambad doon ang napakaraming calls and messages nina mama't papa. Siguradong grabeng sermon ang aabutan ko sa kanila. Kailangan kong mag-isip ng magandang palusot.

9:30 A.M na rin pala.

Nagsimula akong maglakad. Habang tinatahak ang cobblestone na pathway ay nanumbalik sa isip ko ang nagawa kong kasalanan.

"God! I know I made a sin. I'm really sorry! I won't do it again. Promise!" sabi ko sa isip. Pinagsisisihan ko na iyon. Kung kailangan kong maghulog ng malaking pera sa charity mapagbayaran lang ang mga kasalanan ko ay gagawin ko. Heto't magpapasa na nga ako ng five thousand sa isang friend ko na founder ng isang charity group gamit ang GCASH.

Nang matapos ay napabuntong-hininga na lang ako.

"God! Hindi ko binibili ang kapatawaran Ninyo. It is just, I know five thousand pesos can feed orphans and I know You will like this!" sabi ko sa isip.

Nasa gano'n akong kaisipan nang may isang matandang babae ang humarang sa akin. Nakasuot siya ng kakaibang puting kasuotan. Mahaba at balot na balot siya. Maging ang kaniyang buhok.

Napahinto ako sa paglalakad.

"Hija, may ibibigay ako sa 'yo!" sabi ng matandang babae na nasa 60's ang age pero hindi pa naman nakukuba ang likod niya.

May kinuha siya sa loob ng puti niyang damit at inabot sa akin ang isang itlog na sinlaki ata ng sa ostrich.

Tinanggap ko ito.

"Para sa 'yo ang itlog na iyan."

"Para sa akin po? Itlog po ng ano 'to?" pagtataka ko.

"Malalaman mo iyon sa oras na mapisa. Huwag na huwag mong lulutuin o babasagin iyan."

"Puwede ko po bang malaman kung bakit niyo 'to ibinibigay sa akin?" pagtataka ko.

"Dahil mabuti kang tao, Hija."

Gusto ko sana siyang tanungin kung paano niya nasabing mabuti akong tao at ano ang basehan niya pero hindi ko na siya tinanong dahil hindi naman kami close.

Dagdag ko pa, ang weird lang na isang itlog na hindi puwedeng kainin lang ang premyo sa mga mabubuting tao. It doesn't make sense.

"Gano'n po ba? Ah... kung gano'n... sa-salamat."

Send The Egg To The BookstoreWhere stories live. Discover now