Epilogue

45 7 0
                                    


S H A N E

FOUR YEARS LATER

"Tanggap ka na!" sabi ko kay Rich.

Hindi pa man niya naiaabot sa akin ang resume niya ay tanggap na siya.

"Talaga, ate Shane?"

"Huwag ka na ngang magkunwaring natutuwa. Alam mo namang matatanggap ka sa oras na mag-apply ka rito," sabi ko.

"Na-miss kong magtrabaho sa bookstore, ate Shane, sawakas ay nandito na ako ulit. Mukhang dito na ako habambuhay na magtatrabaho!" sabi niya.

"Ano nga palang position ang maiaalok mo sa akin?"

"Manager. Ikaw na ngayon ang bagong manager ng bookstore."

"Whoah! Talaga! Eh kung gano'n, paano ka?"

"Ako na ang CEO ng company noh. Wala na akong time para i-manage ang bookstore na 'to."

"Gano'n ba? Kung gano'n makakaasa kang lalo akong magsusumikap para sa ikagaganda ng bookstore!"

Nginitian ko lamang siya.

Dalawang taon na rin kaming walang komunikasyon ng personal sa isa't isa. Sa malayong probinsiya kasi siya nag-aral.

"Nga pala, naaalala mo na ba si Adonis?"

"Ayan na naman ang itatanong mo? Buwan-buwan mo na ata iyong itinatanong sa akin. Dapat ba kilala ko siya?"

Umiling lamang ako habang nakangiti.

"Wala. Anyway, kailan mo balak mag-umpisa?"

"Bukas!"

Inilahad ko ang aking kamay sa harap niya at sinalo naman niya ito upang makipagkamayan.

"Congratulations, Rich! Welcome to the bookstore!"

"Thank you, ate Shane!"

Matagal nang umalis sina Ciara at Veronica. Nakahanap na sila ng ibang trabaho.

Samantalang si Larry, lalo siyang sumikat dahil sa mga akda niya. May nalaman din ako tungkol sa kaniya. Siya pala talaga ang nagsulat ng una at pangalawang nobela ni Adonis. Ginamit lamang iyon ng langit upang matulungan ako ni Adonis na magtagumpay ang negosyo ko.

High school pa lamang si Larry ay tapos na raw niya itong gamitin at ini-publish lamang nang parehong taon kung kailan ini-publish ni Adonis ang nobela. May mga nabago. Parang sinasabi ng kapalaran na si Larry dapat ang nasa posisyon ni Adonis ngayon dahil ito naman talaga ang gumawa ng nobelang iyon.

Ngunit ako lamang ang nakakaalala sa lahat. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko pa rin siya nakakalimutan. Marahil ay dahil sa lubos kong pagmamahal sa kaniya. Maging sina mama't papa kasi ay hindi na rin nila ito maalala. Maging si Togepi.

"Kalimutan na ako ng lahat pero 'wag lang ikaw. Natatakot akong mawala sa mundo nang walang nakakaalala sa akin—" Suminghot siyang muli. "Gusto kong may makaalam ng existence ko. Gusto kong—may taong maka-acknowledge na nawawala ako. Ayokong mawala sa mundo na parang wala lang—na parang isang insektong walang mag-aalala para sa kalagayan ko. "

Nanumbalik ang mga katagang binanggit ni Adonis bago siya naglaho sa mismong harap ko.

Tama siya, napakalungkot at napakasakit na hindi ka maalala ng taong mahal mo—masakit na walang nakakaalala sa 'yo.

Kaya ganito man ang naging kahahantungan ng pag-iibigan namin ni Adonis, masaya ako dahil hindi binura ng langit ang alaala ko sa kaniya. Ayokong kalimutan ang pag-ibig ko sa kaniya—ang mga ngiti niya at ang mga tingin niyang punung-puno ng pagmamahal.

Hindi ko man makitang muli ang mga iyon, masaya ako dahil alam kong nasa langit lamang siya at binabantayan ako. At sa oras na magkita kaming muli, yayakapin ko siya nang napakahigpit. 

Send The Egg To The BookstoreWhere stories live. Discover now