Chapter 3: The Seven-Year Old Kid

52 5 0
                                    

KINABUKASAN, magkakasalo kaming nag-aagahan nina mama't papa sa kusina. Magkatabi silang nakaupo at ako naman ay nasa kabilang side which is sa kanilang harapan. Nakaupo naman ang baby sa hita ni mama habang sinusubuan ito ng Cerelac.

Pinagmasdan ko lamang ang baby habang ngumunguya ito. Napa-cute niya lalo na kapag ngumingiti at humihigikhik. Nahahawa ako sa ngiti niya at para bang gusto ko siyang sakalin sa yakap.

Nilalaro-laro ni mama ang pisngi ng baby nang mahinto ito at napatingin kay papa. "Anong ipapangalan natin sa kaniya, honey?" tanong ni mama.

Nag-isip si papa. "Alam ko na! Frederico!" Napataas pa ang boses niya. He sounds very excited to tell that to us, as if it's a good idea when obviously it is not.

"Antanda namang pakinggan niyan, 'pa," pagrereklamo ko.

"Oo nga, mag-move on ka na sa panahon natin, hon. Twenty first century na," mom agreed.

"Ako na lang ang magpapangalan," sabi ko. "Eh ano kung Togepi?"

Yep--that's my favorite Pokemon. And I'm pretty sure, they don't know that. If they do, siguradong tututol sila.

"Togepi?" Nag-isip si mama. "Okay, Togepi na ang pangalan niya!"

Natuwa naman ako dahil sa mabilis na pagsang-ayon ni mama.

"Kaya lang pa'no 'to? Sino ang tatayo niyang ina?" tanong ni papa.

"Hindi ako! Ayokong umako ng anak na hindi ko anak! Ayoko pa ng responsibilidad!"

Nagtinginan naman sina mama't papa na tila isa 'yong malaking problema para sa kanila.

"Buti pa pag-usapan na lang natin ang tungkol diyan kapag malaki na siya. Mas mabuti na rin sigurong malaman niyang adopted lang siya sa mas maagang panahon," sabi ni mama.

Tiningnan ko si Togepi na noo'y tumingin din sa akin at pagkatapos ay tumawa siya na tila nagagandahan siya sa akin. Napangiti naman ako.

"Kung kanino mang baby 'to, ang suwerte niya para magkaroon ng anak na ganito ka-cute!" sabi ko.

***

LUMIPAS ang ilang araw. Tama nga ang sinabi ni mama noon na ang baby ang nagpapasaya sa loob ng isang bahay. Kada umuuwi kasi ako galing sa trabaho, kahit pagod ay nawawala ang stress ko sa tuwing nakikita ko si Togepi. Lalo na kung nayayakap ko siya, nabubuhat at kapag tumatawa siya sa harap ko.

Ansarap siguro sa pakiramdam kapag mayroon kang sariling anak. Ito ang nagiging stress reliever mo.

Pero sino nga kaya ang batang 'to at anong rason kung bakit ito ibinigay sa akin no'ng matandang babae?

Sa hinuha ko, isang anghel ang matandang babaeng 'yon. Is Togepi a some sort of a reward for being a good person? I don't think that's the only reason though.

***

The next day, habang nag-aagahan ako ay pumasok sa kusina sina mama't papa. Bihis na bihis sila. Karga-karga ni mama si Baby Togepi at hila-hila naman ni papa ang isang maleta.

"Shane, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, ah?" sabi ni mama.

"Huh? Bakit, 'ma?" pagtataka ko.

"Namatay kasi ang kaibigan namin sa probinsya. Gusto naming dumalaw," paliwanag ni papa.

"Gano'n? Isasama niyo si Togepi?"

"Oo, as if naman na maaalalagaan mo 'to rito."

"Kunsabagay, sige na, mag-ingat kayo," sabi ko.

Send The Egg To The BookstoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon