Chapter 12: Mama and Papa

24 3 0
                                    

"NANDITO ka para mag-apply?" paglilinaw ko. Ipinakita ko sa kaniyang dismayado ako. Gusto kong iparamdam sa kaniya na hindi siya welcome sa bookstore. Pero hindi naman in a way na sasaktan ko ang damdamin niya. I just really don't like her because of her fondness for Adonis.

"Yes po! I'm here to apply!" maligalig niyang sambit habang abot-langit ang ngiti.

"Ah. . . " sabi ko. As of now, I don't know how I can reject her without being bad.

"Pasok ka muna," sabi ko at pinapasok nga siya. Dinala ko siya sa may sofa at umupo kami nang magkaharap.

"Gusto mo na ng maiinom?" tanong ko.

"Yes please. Water is enough. Actually kanina pa ako naghahanap ng trabaho. Hindi ko alam na hiring pala kayo."

I know she's lying. Sino na naman ang naghahanap ng trabaho na napaka-casual ng suot? Gayunman, hindi ko na inungkat pa ang tungkol doon. I'm going to reject her application anyway.

"Rich! Pahingi naman ng tubig. Para sa bisita natin."

"Sure!" sabi ni Rich at pumasok sa office at kumuha ng bottled water. Nang bumalik siya'y ipinatong niya ito sa center table. "Heto na po ang bottled water, madame," ani Rich na animo'y isang waiter.

"Thank you!" sabi naman ni Ciara at ininuman ang bottled water. Matapos ay isinara niya ito at ipinatong sa center table.

"So, ayun na nga, should I wait for your questions? Or i-introduce ko na ang sarili ko?"

I cleared my throat. "Ciara, I want to be frank with you?" sabi ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata nang masinsinan.

Ngumiti siya at tumango. "Of course!"

"Alam ko ang rason kung bakit gusto mong mag-apply, so that you can spend more time with Adonis. That's why I'm rejecting your application right now. Gusto ko ng employee na ibubuhos ang lahat sa trabaho ang atensyon at hindi sa ibang bagay."

Sa isang iglap ay naglaho ang ngiti sa mga labi ni Ciara.

"Yes. Shane, don't get me wrong. Totoong gusto kong mag-apply dahil naririto si Adonis. Pero hindi lang naman iyon, kailangan ko rin talaga ng job ngayon. And I'll do my best na hindi ma-distract ni Adonis."

I don't know how I can trust her, knowing how she behaved whenever Adonis was there. However, ayoko namang ipamukha sa kaniya na alam kong nagsisinungaling lang siya at nagpapalusot.

Mapait ko siyang nginitian. "You're beautiful, Ciara. For sure, makakahanap ka ng job na magbibigay sa 'yo ng mas malaking offer. Pasensya ka na," sabi ko at iniwanan ko na siya at bumalik sa office.

Naiwan naman siyang nasa ibaba lamang ang tingin. Nakokonsensiya ako dahil sa pag-reject ko sa kaniya. Pero ito ang makakabuti para sa book store. Kailangan ko ng employees na sa trabaho naka-focus at hindi sa mga katrabaho.

Ang who knows baka magkagusto rin si Adonis sa kaniya? Kaya mas mabuti nang habang hindi pa nangyayari ang mga iyon ay maiwasan na.


***


MAGKASALO kami ni Adonis na nag-aagahan sa kusina. Bumili ng pansit si Adonis sa kapit-bahay. Ipinapalaman niya ito sa pandesal na binili rin niya sa kanto.

"Nga pala, kailan darating sina mama't papa? Sana naman huwag na nila akong hanapin. Nakakonsensiya na," pagbabalik niya ng usapan tungkol sa parents ko.

"Kaya nga. Sinabi ko na sa kanilang huwag ka na nilang hanapin pero ayaw nilang sumuko."

"Nami-miss ko na sila. Gusto ko silang makasama. Sila ang magsisilbi kong mama't papa sa mundo habang hindi ko pa nakikilala ang totoo kong mga magulang."

Send The Egg To The BookstoreWhere stories live. Discover now