Chapter 17: Brother

26 0 0
                                    

GABI na nang bumalik sa bookstore si Adonis. Kapansin-pansin ang pagbabago ng presensya niya. Tulala lamang siya at tila galing sa matinding pag-iyak. Sa tuwing nakikita ko siyang nagkakaganito ay nasasaktan ako. Nararamdaman ko ang sakit sa pamamagitan ng pagtitig lamang sa kaniya.

Nang matapos ang duty ay sinabihan ko sina mama't papa na sa bookstore ako matutulog. Gusto kong samahan si Adonis. Ayokong mawalay sa kaniya. Natatakot akong pagbalik ko rito bukas ay tuluyan na siyang naglaho. Napapraning ako at natataranta.

Tila wala sa sarili si Adonis. Uutusan ko sana siyang magsara ng pinto pero hindi ko na tinuloy at ako na lamang ang nagsara no'n. Umuwi na rin kasi sina Rich, Veronica at Ciara.

Pagsara ko ng pinto ay nakahiga si Adonis sa sopa sa waiting area ng customers. Umupo ako sa upuan na gawa sa kahoy na katabi lamang ng sofa.

"Kumusta ang ang pag-uusap niyo ni Larry? Napansin kong hindi yata maganda ang pag-uusap niyo? A-ano ang mga nalaman mo sa kaniya?"

Maging ako'y kinakabahan sa mga bagay na sasabihin niya.

"Wala kaming napag-usapan, Shane."

Alam kong mayroon. Ayaw lang niyang magsalita at ayoko siyang pilitin. Kung ano man ang dahilan niya para ilihim sa akin ang bagay na napag-usapan nila ni Larry, alam kong hindi ko siya mapipilit na sabihin iyon sa akin.

Umupo ako sa sahig nang sa gano'n ay mayakap ko ang katawan niya. "Pasensya na dahil sa pagpapa-asa ko sa 'yo," I said full of sincerity.

Hindi siya tumugon.

"Pasensya na talaga," sabi ko at muli na naman akong umiyak.

Bumangon si Adonis at nginitian ako. Inalalayan niya akong umupo sa tabi niya.

"Huwag ka nang umiyak, Shane. Wala kang kasalanan. Ako dapat ang humingi ng pasensya sa 'yo, ako ang dahilan kaya ka umiiyak ngayon."

Niyakap ko lamang siya habang walang humpay sa pagbuhos ang luha sa mga mata ko.

"Okay lang ba kung tayo pa rin? Kahit na iiwan din kita balang araw?" tanong niya.

Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya.

"Oo, Adonis! Gusto kitang makasama hanggang sa huling araw mo sa mundo!"

Ngumiti siya—ngiti na may halong kalungkutan.

Natuwa ako dahil binalingan niya ako nang mahigpit na yakap.

"Ayos lang ba iyon sa' yo? Kahit na habang nagsasama tayo ay lalong titindi ang sakit na mararamdaman mo kapag wala na ako?"

"Oo, Adonis! Gusto kitang makasama nang mas matagal pa! Wala na akong pakialam ngayon kung masaktan ako. Ang mahalaga na lang sa akin ngayon ay ang makasama at maiparamdam sa 'yo na mahal na mahal kita!" umiiyak kong bigkas.

Naramdaman ko ang mga luha ni Adonis na bumagsak sa balikat ko.

"Kung gano'n, maraming salamat! Gusto kong ikaw ang huling taong makita at makasama ko bago ako bumalik sa langit! Kaya maraming salamat!"

***

KINABUKASAN ay nagtungo ako sa bahay ni Larry Mila upang tanungin ito kung sino siya at kung nakausap ba niya si Adonis kahapon. Nakailang pindot ako ng doorbell hanggang sa sawakas ay pinagbuksan niya ito para sa akin.

Muli ay namangha ako dahil sa labis-labis nilang pagkakahawig ni Adonis.

Minukhaan niya ako.

"Ikaw iyong kahapon, di ba? Iyong kasama ng lalaking . . ."

Send The Egg To The BookstoreWhere stories live. Discover now