Chapter 18: Death

30 0 0
                                    

BUMALIK ako sa bookstore matapos kong makipagkita kay Larry. Nang magsara na ang bookstore ay nilapitan ko si Adonis na ngayo'y nakatayo sa bandang bookshelves habang nagbabasa ng isang libro.

"Adonis," pagtawag ko. Nagbabasa siya ng libro ng mga sandaling iyon. Nang tawagin ko siya'y lumingon siya sa akin at sinara niya ang libro.

"Bakit?" Kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.

I sighed. "Alam ko na ang lahat ngayon, Adonis. Kinausap ko si Larry kanina."

Ibinalik niya sa bookshelf ang libro. Maayos ang pagkakabalik niya ng libro.

"Kung gano'n alam mo na pala—" Ngumiti siya nang mapait. "—kahit na papaano makakapiling ko na rin si mama sawakas."

Hindi ko siya nasagot dahil babalik na naman kami sa usapin ng pag-alis niya. At hangga't maaari, ayoko munang isipin iyon.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila iyon upang dalhin siya sa sopa. Nang makaupo ay tiningnan ko siya sa mga mata nang matagal at isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang balikat.

"Sinabi ko kay Larry na nagsasabi ka ng totoo at kapatid ka niya. Gusto mo siyang makapiling, 'di ba? Ngayon na ang pagkakataon mo."

Napatingin siya sa akin na tila na gulat na gulat siya. "Ayos lang sa kaniya iyon?"

"Oo. Tingin ko, nahihirapan siyang paniwalaan ang mga sinabi mo. At the same time, gusto niya iyong paniwalaan dahil marahil ay nakakaramdam siya ng lukso ng dugo sa 'yo."

"Tingin mo ba ayos lang kung gawin ko iyon? Iiwan ko rin siya. Ano pang silbi na makasama ko siya?—o na makasama niya ako?"

"Magkakasama kayo—kahit sandali lang—iyon ang importante. Kahit na ilang minuto lamang iyon, hindi iyon matutumbasan ng ano mang halaga. Sulitin mo ang mga oras na kasama mo siya hangga't may pagkakataon pa. Kahit isang araw lang."

Hinimas niya ang likod ko at nginitian ako nang punung-puno ng appreciation.

"Kung gano'n, maraming salamat, Shane!"


A D O N I S ' s P O V

KATULAD sa sinabi ni Shane ay tinungo ko ang bahay ni Larry upang makapaglaan kami ng oras bilang magkapatid. Gusto kong malaman ang naging buhay ng pamilya namin magmula nang mawala ako sa mundo. Matagal ko nang pinangarap na malaman kung anong klaseng buhay ang mayroon ang pamilya ko.

Ipinagluto ako ni Larry ng adobong manok upang pagsaluhan sa tanghalian. Naghihintay lamang ako sa kusina habang pinaghahandaan niya ako ng makakain. Gusto ko siyang tulungan ngunit sinabi niyang bisita ako at dapat na pinagsisilbihan.

Nang matapos ay pinagsaluhan namin ang niluto niya. Kami lamang dalawa ang nasa bahay.

"Sinu-sino ang mga nakatira dito?" tanong ko dahil gusto kong may mapag-usapan kami. Ayokong maging awkward ang araw na 'to.

"Kami lang nina mama't papa ang nakatira dito. Pero magmula nang umalis si papa at ma-confine si mama, ako na lang."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Gusto kong magtanong ngunit bumuwelo lamang ako. This time, it will be a totally different topic.

"W-wala na ba talagang pag-asang mabuhay si mama? Gusto ko siyang makapiling. Hindi sa langit kundi sa mundong 'to."

Umiling siya nang may lungkot sa mga mata.

"Matagal nang may sakit si mama. Matagal na rin niyang kinikimkim iyon. Sa tuwing nakikita ko siyang namimilipit sa sakit ay tila tinutusok ng karayom ang puso ko sa sobrang awa sa kaniya. Wala ng pag-asang magamot ang sakit niya. Lalong nag-trigger sa sakit niya ang balita tungkol sa 'yo. Doon siya na-stroke at na-comatose. As you can see, sobrang hina na ng katawan niya. Ayoko nang pilitin pa siyang mabuhay. Ayokong maging makasarili."

Send The Egg To The BookstoreWhere stories live. Discover now