Chapter 7: The Book Signing Day

36 0 0
                                    

FINALLY, the day of book signing has finally come!

Matagal naming pinaghandaan ang araw na 'to at ngayon, sawakas ay dumating na rin! 

Nasa bahay kami ngayon ni Adonis at nakahanda na kami patungo sa book store. Bihis na bihis na siya. Nakasuot siya ng checkered polo na may red necktie. Suklay na suklay din ang kaniyang buhok na ngayon ay nakatayo. 

"Adonis, excited ka na ba para sa mamaya?" tanong ko habang nakaupo ako sa sofa at sinusuot ang sandal ko.

Inayos niya ang necktie niya. "Oo, excited na ako, kinakabahan din. At saka medyo takot dahil baka walang pumunta, nakakahiya."

"Haist, masyado kang nagwo-worry sa mga bagay-bagay. Hindi maganda iyan. Imposible namang walang pupunta, 'no. Kahit bente o trenta, okay na 'yon. At least merong pumunta, iyon ang mahalaga," paliwanag ko sa kaniya.

"Pero paano ang bookstore? Malaki ang expectation mo na marami tayong mabebentang libro ngayong araw, 'di ba?"

Nginitian ko siya dahil ayokong pakitaan siya ng kahit na anong negative vibes. "Iyan ka na naman. Pinagdududahan mo na naman ang desesyon ng Langit."

"Oo nga pala. " Minsan nakakalimutan ko rin kasi."

Tapos na akong magsuot ng sandal. Kinuha ko na sa sopa ang shoulder bag ko at lumabas na kami patungo sa bookstore. 

Sumakay kami ng bus stop. Pagkatapos ng labinlimang minutong biyahe ay bumaba kami sa waiting shed at naglakad patungo sa bookstore. 

Nang makarating, nagulat kami dahil alas-otso pa lamang ng umaga ay marami ng fans ang naghihintay sa labas. Nakaupo silang lahat sa sidewalk na malapit sa book store, iyong iba ay walang sapin, samantalang iyong iba ay may mga dalang karton na siya nilang inupuan. Parang mga K-pop fan lang sila na naghihintay sa labas ng bilihan ng ticket at nangangambang maubusan ng ticket kaya inagahal nila ang pagpila.

I already expected na maraming dadalong fans, pero hindi ganito karami. But I know for sure that I shouldn't be surprised this much since this is the release date of the debut novel of Adonis. I'm very thankful dahil sa mainit nilang suporta para sa libro ni Adonis!

Habang naglalakad kami patungo sa bookstore, namataan kami ng fans at dinumog nila kami habang naghihiyawan sila sa sobrang kasiyahan at kilig. Pakira'"mdam ko tuloy isa akong assistant ng isang celebrity. Pinalibutan nila kami at pinagkaguluhan--I mean for sure si Adonis lang naman ang pinagkakaguluhan nila. Damay-damay na lang 'to since kasama ko siya.

"Kuya Adonis!" sigaw ng mga kabataan. Naghahalo-halo na ang boses nila at halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses. Nakakabingi. Napaka-active talaga ng mga kabataan pagdating sa pag-idolize ng kapuwa.

"Pa-picture, kuya!"

"Kuya, I love you!"

"Ang guwapo niyo po!" 

Kung anu-ano na ang naririnig naming mga salita mula sa fans. 

"Hello!" pagbati ni Adonis nang nakangiti na lalong ikinatuwa ng fans. Lalong lumakas ang hiyawan nila at halos sumabog ang ear drums ko. To be honest, naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang pagkahumaling nila kay Adonis. Sobrang ganda naman talaga kasi no'ng novel, idagdag pa na sobrang guwapo ng gumawa no'n. Kung nasa posisyon nila ako ngayon, baka mag-uumapaw din ang sayang mararamdaman ko.

"Ah guys, maghintay lang kayo. Darating din tayo diyan sa requests niyo. Pero sa ngayon, hindi pa kasi nagsisimula ang book signing. We have to set up things," paliwanag ko sa kanila. Pero kulang na lang ay itulak nila ako para lang makalapit sila kay Adonis.

Mula sa pinto ng bookstore ay nakita ko roon si Rich na dali-daling lumabas, hinawi ang kumpol-kumpol na mga estudyante upang dumaan at nang marating niya kami ay hinawakan niya ang likod ni Adonis upang alalayan ito papasok sa bookstore. Anlakas ng datingan niya na parang isa siyang bodyguard ng celebrity.

Send The Egg To The BookstoreTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang