Chapter 9: Jealousy

23 0 0
                                    


KANINA ko pa hinihintay si Adonis. Alas-nuwebe na pero hindi pa siya dumarating. Hindi ko na siya tinawagan dahil ayokong ipakita sa kaniyang nag-aalala ako sa kaniya o nagseselos—gawa ng 'pagde-date' nila no'ng si Ciara. Ayokong ma-misinterpret niya ang bawat aksyon ko.

Sumuko rin ako sa paghihintay at natulog na ako. Ang kaso, hindi pa rin talaga ako makatulog kakaisip kung ano na ang ginagawa nila ni Ciara.

Ten o'clock nang mag-ring ang bell. Awtomatikong tumakbo ang mga paa ko patungo sa may bintana upang silipin kung siya na ba iyon. 

And I found out siya na nga. Pero hindi ko muna siya pinagbuksan. Gusto ko muna siyang inipin sa paghihintay hanggang sa mapagod nang sa gano'n ay makabawi man lang ako sa pagpapahintay sa akin. I don't even know why I'm doing this. Nakakaisip-bata pala ang selos.

Nakatanggap ako ng call mula kay Adonis pero hindi ko siya sinagot. Hinayaan ko lang na umalingangaw sa buong kuwarto ko ang ringtone ko na How You Like That ng BlackPink. 

Ten minutes later at tumawag siya ulit pero hindi ko pa rin siya sinagot. 

Not until I decided na sagutin na siya. Nasa part na ng rap ni Lisa ang ringtone ko nang sagutin ko iyon. 

"Hello?" kunwari ay bagong gising ako.

"Dumating na ako, Shane," sabi niya.

"Oh talaga?" sabi ko at pagkatapos ay narinig ko ang tunog ng doorbell. "Andyan na bababa na."

Pinatay ko na ang aking phone.

Siguro naman ay mare-realize na niya ngayon na dapat ay umuuwi siya ng maaga at hindi kung saan-saan pa lumalandi.

Nang buksan ko ang gate ay ganito kaagad ang sinabi ko, "Bakit ngayon ka lang? Andami niyo yatang pinuntahan?" 

"Pasensya na. Napakamapilit kasi ni Ciara. Kung saan-saan niya ako dinala. Siya raw kasi ang number 1 fan ko at ayaw niyang magsayang ng opportunity na makasama ko kaya nilubos na niya."

"Sinabi niyang number 1 fan mo siya?"

Tumango siya. "Yes."

"Huwag kang maniwala. Narinig ko na iyan sa daan-daang commenters mo sa social media."

Nilawakan ko ang pagkakabukas ng gate para papasukin siya at ginawa naman niya. Muli ko namang sinara ang gate at ini-lock.

Naglakad kami patungo sa main door ng bahay.

"Bakit nga pala antagal mong buksan ang gate? Ang aga mo yatang matulog ngayon?"

"Maaga? Alas-diyes na po, baka hindi ka aware," tugon ko.

"Pero usually, 'di ba alas-dose ka pa ng hatinggabi natutulog?"

Hindi ako natutuwa sa marami niyang tanong kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Gusto kong matulog ng maaga. Period," pabalang kong sagot.

Natahimik naman siya. I think nababasa na niya sa atmosphere ko na hindi maganda ang mood ko ngayon dahil sa late niyang pag-uwi. 

"Naiintindihan ko. Pasensya na. Naistorbo pa kita," sabi niya nang nalulungkot at nakokonsensya.

Kainis, binibigyan tuloy niya ako ng dahilan para makonsensiya sa hindi ko kaagad pagbukas ng gate.

"Kumain ka na?" tanong niya.

"Oo naman. Kanina pa."

Nakapasok na kami sa loob ng bahay. Ni-lock niya ang pinto at nagtanggal siya ng sapatos at inilagay ito sa shoe rack sa gilid ng pinto.

I have a question to him. Pero bumuwelo muna ako ng ilang sandali saka ko ito itinanong. "So... kumusta naman ang date niyo?"

"Hindi kami nag-date. We just spent our time together—as an idol and a fan."

Sus! Maniwala ako!

"So. . . nag-enjoy ka naman?"

"Not really," nadidismaya niyang saad. "She talks too much. Mabuti na lang at natapos din sawakas."

Ewan pero bigla na lang umukit ang ngiti sa mga labi ko. Gusto ko sana siyang tanungin kung mayroon bang chance na maging sila ni Ciara pero umurong ang dila ko. Baka kasi pag-isipan niya ng masama ang pagtatanong ko no'n. Ang weird naman kasi.

But instead of asking that, I thought of advising him of something.

"Adonis, I just want to know, alam mo ba na gusto ka ni Ciara romantically?"

Nagtungo kami sa salas at umupo sa sopa. "Talaga? Gusto niya ako? Hindi ko alam iyon."

"Puwes ngayon alam mo na. Gusto ka niya, actually halata naman. Baka manhid ka lang dahil wala ka pang experience pagdating sa emotion ng mga babae. Pero ngayon, sinasabi ko na sa 'yo, gusto ka ni Ciara at gusto ka niyang maging boyfriend."

"Talaga ba?" Nag-isip siya. "Pero bakit mo sinasabi sa akin iyan."

"Don't get me wrong, hindi sa pinanghihimasukan ko ang love life mo. Pero remember, aalis ka rin sa mundo, 'di ba? Hindi mo dapat ina-attach ang sarili mo kahit na kanino."

"That's right. I almost forgot about that."

"Puwes ngayon ipinaalala ko na sa 'yo. Simula ngayon, hayaan mo na si Ciara sa mga text niya sa 'yo. Huwag mo siyang bigyan ng dahilan para isipin na may pag-asa siya sa 'yo. Tapatin mo nga ako, gusto mo ba siya?"

Umiling siya nang mariin. "Hindi. Wala akong gusto sa kaniya."

Nakahinga ako nang maluwag sa loob-loob ko. Pero hindi ko ito ipinahalata sa kaniya. 

"Mabuti kung gano'n. Maawa ka ro'n sa tao. Masakit kayang iwan ng taong gusto mo."

"Alam ko." Ngumiti siya. "Sige, Shane. Susundin ko ang mga sinabi mo. Hindi na ako makikipag-usap sa kaniya para makapag-move na siya kaagad sa akin."

"Okay, mabuti't mabilis kang kausap."

"Pero ikaw? Ayos lang ba sa 'yo na i-attach ang sarili mo sa akin? Hindi romantically pero bilang kaibigan."

Ngayong napag-iisip-isip ko, ano nga ba ang gagawin ko kapag nawala na siya bigla?

I want to save that question for the future. But for now, I cannot answer it.

"Hindi ko naman ina-attach ang sarili ko sa 'yo ng ganoon katindi, 'no," pagsisinungaling ko. "Oo, iyong relasyon natin ngayon ay parang sa amo't alaga. Noong namatay ang alaga ko, masakit pero nakapag-move din naman ako, I mean kailangan. Kapag nawala ka na, siyempre masasaktan ako pero hindi sa level ng sakit na mararamdaman ko kapag nawala ang isang taong mahal mo sa buhay."

Ngumiti siya. "Sige, ayokong masaktan ka, Shane kaya hangga't maaari, huwag mong masyadong i-attach ang sarili mo sa akin, ha?" paalala niya. "Iinom lang ako ng tubig," dugtong niya at pagkatapos ay nagtungo sa kusina.

Naiwan akong mag-isa sa sopa, iniisip ko ang sinabi niya. 

Ano nga kaya ang mararamdaman ko kapag nawala na siya? Sa totoo lang hindi ko alam.

Pero kailangan kong pigilan ang emotion ko ngayon na nagsisimulang umusbong para kay Adonis.

Send The Egg To The BookstoreOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz