Chapter 6 ♠ Okay

12.1K 326 15
                                    

Alexandra Sophia Samaniego

Pinagbuksan nya ako ng pinto kaya lumabas na ako. Sabay na din kaming pumasok sa loob ng isang club. The name Vortex was flashing on the top. There were bouncers at the door and they just nodded at Ace as if he frequents here. Maybe he does. Mausok, magulo at maingay na lugar ang bumungad saamin. Maraming tao ang nakatambay kahit saan lalo na sa dance floor. First time kong makapasok sa isang club.

Nagulat ako nang may mainit na hininga ang dumampi sa tenga ko. Lalayo sana ako nang higitin nya ang siko ko.

"Stay close to me," sabi ni Ace sakin bago ako binitawan.

Sinunod ko naman ang inutos nya sakin dahil may napansin akong grupo ng mga lalaki na nakatingin samin. Hinila ko pababa ang damit na suot ko at sumunod kay Ace papunta sa isang booth na hindi masyadong tinatamaan ng ilaw.

Napansin ko naman kaagad ang bote ng alak na nasa mesa at ang lalaking nakasandal sa upuan. Nakita kong napailing si Ace nang makita ang lalaki.

Tinitigan ko namang maigi yung lalaki. Sya ba ang pinsan ni Ace? May parte kasi ng mukha nila na pareha. Baka sya nga.

Ininom nya muna ang laman ng glass bago nilipat samin ang tingin nya. Don't get me wrong, may itsura naman ang pinsan ni Ace pero mukha nga lang playboy.

"Here's what you're asking for," narinig kong sabi ni Ace at hinila nya ulit ako para magkatabi kami. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natatakot akong magsalita baka magalit si Ace.

Pinasadahan ako ng tingin ng pinsan nya. "You really know my taste, Ace." Binalingan niya si Ace at may tinapon syang susi na nasalo naman ni Ace. Lumapit ulit ang bibig ni Ace sa tenga ko at bumulong dahilan upang manindig ang balahibo ko sa batok.

"Calm down. You look so stiff," sabi nya sakin at umupo sa tapat ng pinsan nya. Nanatili pa rin akong nakatayo at parang ayaw gumalaw ng mga paa ko.

Nilingon ko si Ace para humingi ng tulong dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

"Hey gorgeous, sit here next to me. Don't be scared, I don't bite." Napalingon kaagad ako nang magsalita na ang pinsan ni Ace. Nasilayan ko naman ang ngisi nya dahilan upang mahugot ko ang hininga ko. Tinignan ko ulit si Ace pero hindi sya nakatingin sakin.

Huminga ako nang malalim at ngumiti. I'm trying not to make it a fake smile.

Nagsimula akong lumapit sa kanya at nagulat ako nang hapitin nya ako sa bewang dahilan upang magkadikit kami. Itutulak ko sana sya pero naalala ko na may atraso pa ako kay Ace. Napakagat ako sa labi dahil sa sobrang pagtitimpi. Gusto ko nang umalis pero binibigyan ako ng masamang tingin ni Ace.

"Do you want something? I can order it for you," sabi ng pinsan nya at alam kong nakatitig sya sakin. Lumingon ako sa kanya at umiling, binigyan ko sya ng matamis na ngiti bago magsalita.

"No, thank you. I'm fine." Hindi ako okay! Gusto ko nang umuwi!

Umiwas ulit ako ng tingin dahil hindi pa rin nya tinatanggal ang tingin sakin. Nakakailang dahil pinapanuod nya ang bawat kilos ko.

"Tell me about yourself," narinig kong sabi nya habang umiinom. I winced on what he said. Ano namang sasabihin ko tungkol sakin? Kailangan ko bang magpanggap?

"Ahm I'm S-Stacey. Stacey... Richards!" I said and laughed awkwardly.

"Well nice to meet you, Stacey. I'm Ian Castañeda," sabi nya kaya napalingon ulit ako sa kanya. Tumango lang ako at ngumiti na para bang interesado ako. Pero naagaw ng pansin naming dalawa ni Ian ang isang matangkad at maputing babae na lumapit sa table namin.

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon