Chapter 11 ♠ Band-Aid

11.8K 306 12
                                    

Alexandra Sophia San Mañego

"Saan tayo pupunta?"

"Shut up." I pouted and did what he told me. Kanina pa kami naglalakad at hindi ko na alam kung anong lugar 'to. Mukha din syang tambay dito dahil parang kabisado nya ang daan.

Madilim na din dahil 6:30 na ng gabi. Talaga bang alam nya ang dinadaanan namin? Tsaka... ito ba yung lugar ng mga night clubs? Ito ata yun eh. Bakit naman kami napadpad dito?

Sa kakalingon ko sa paligid hindi ko namalayan na huminto pala si Ace kaya nabangga ako sa likod nya.

"Aray! Ilong ko!" reklamo ko habang hinihimas ang nasaktan kong ilong.

"Move it!" mariin nyang bulong sakin habang tinutulak ako kaya napaatras ako at ganun din sya. Sumilip ako sa tinitignan nya... may tatlong lalaki na papalapit saamin, mukhang dadaan lang naman. Anong problema ng lalaking 'to?

He cursed silently and suddenly held my hand and my eyes turned wide as I looked down at our hands. Tumalikod kami at naglakad...nang mabilis.

"Saan ba tayo pupunta? Bakit babalik tayo?" tanong ko at sinagot nya ako nang pagalit.

"I told you to shut up! Just follow me and stop talking," sabi nya. High blood na naman?

Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa namin huminto na naman sya. Magrereklamo na naman sana ako nang hilahin nya ako papasok sa isang eskinita. Bago pa man nya ako mahila may nakita akong dalawang lalaki sa unahan namin na malalaki ang katawan.

"Uy kaibigan mo ba yun? Friendly ka pala noh?"

"They're not my friends, dimwit!"

"Hindi ba? Eh sino yun?"

"Don't want to scare you," sabi nya at nanlaki ang mga mata ko. Scare me? Anong ibig nyang sabihin dun?

"Ibig mo bang sabihin... iniiwasan natin sila?! Bakit?! Sino ba sila?!" natatarantang sunod-sunod kong tanong.

"You really can't shut up for just a second, can you?!"

Sasagutin ko na naman sana sya nang may marinig akong boses ng lalaki mula sa likuran namin na nakapagpakaba sakin.

"Pre, kilala mo yun?" Lilingon sana ako nang higpitan ni Ace ang hawak nya sa kamay ko. Ang sakit!

"Don't look," sabi nya sakin na nakakunot na ang noo.

"Mukhang pamilyar," sabi nung isang kasama nya. Bumilis ang lakad namin at napadasal ako sa isipan ko. Katapusan na ba namin'to?! Kung mamamatay man lang ako bakit si Ace pa ang kasama ko?!

"Si Castañeda yun ah!"

"Run!" Nagulat ako nang biglang tumakbo si Ace kaya muntik na akong madapa. Buti na lang pala at hawak nya ang kamay ko.

"Habulin nyo!"

"Tara!"

Habang tumatakbo kami, napalingon ako sa likod at nanlaki ang mga mata ko. Bakit ang dami nila?!

Takbo lang kami nang takbo pero hindi pa rin namin sila naliligaw. Napapagod na din ako kaya bumagal ang takbo namin.

"Pah-pagod na ako," hinihingal na sabi ko kay Ace. Hindi ko na ata kakayanin 'to! Ilang sandali na lang bibigay na ang tuhod ko.

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Ace sakin at mas bumilis pa ang takbo nya kaya nahila nya ako. Lumiko kami at patuloy pa rin sa pagtakbo... hanggang sa bigla nya akong hinigit at nagtago kami sa madilim na sulok.

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon