Chapter 31 ♠ Kiss

10.3K 254 16
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

Nararamdaman ko na na sumasakit na ang paa ko sa kakalakad pero hindi pa rin ako tumitigil kahit na magpahinga man lang. Malapit naman din ako sa bahay eh.

Ilang beses na din akong napabuntong-hininga na hhalos hindi ko na mabilang at pakiramdam ko mukha akong zombie na naglalakad. Hindi naman ako nag-aalala kung may makasalubong man akong lasing o kahit sino pa man dahil...wala akong pakealam. Poproblemahin ko na lang yan kung sakaling mangyari man.

Bakit ba ako nagkakaganito? Siguro nga bitter ako dahil ayokong aminin na siguro may gusto na nga ako sa kanya. And I really hate how I feel right now... I feel so used and stupid.

Sobrang nakakafrustrate isipin na naniwala ako sakanya.

Bakit nga ba ako naniwala sa kanya? Bakit nga ba ako naniwala na gusto nya ako? Siguro... dahil hindi ko alam ang pakiramdam na may nagkagusto sakin. Maaga akong naulila at hindi ko masyadong naramdaman na bigyan ng ganung atensyon.

And now... what did my stupidity got me into? It got me broken and hurt. Sa buong buhay ko akala ko matatag na ako pero yun pala makita ko lang sya...

Napatigil ako nang may nakita akong nakatayo sa harap ng gate ng bahay namin.

lumalambot na ako.

"Where have you been?!" galit ang ekspresyon na nakikita ko sa kanya pero hindi ako nagpakita ng emosyon. Anong ginagawa nya dito?

Hindi ako sumagot kaya lumapit sya sakin at hinawakan ako nang mahigpit sa siko ko para mapilitan akong tignan sya sa mata.

"Bakit ka naglalakad mag-isa?" tanong nya ulit pero binawi ko ang siko ko at nilagpasan sya.

"From now on hindi ka na pwedeng lumabas na hindi ako kasama." Napatigil ako at napakuyom ng kamao.

"Sino ka ba para utusan ako?"

"What kind of question is that? I'm your boyfriend." Napatawa ako ng pagak. Naging girlfriend mo nga ba ako... o laruan?

Pinatatag ko ang sarili ko para pigilan ang luhang gustong lumabas sa mga mata ko. Huminga ako nang malalim bago ako humarap sa kanya.

"Tigilan na natin 'to," nagulat sya sa sinabi ko at parang hindi makapagsalita. What a great actor.

"Wha-What?! Why?!"

"Kasi ayokong may isang Ace Castañeda na bumubuntot sakin na parang aso. Hindi mo ba alam na nakakasakal kang kasama?" Sa bawat salitang binibitawan ko ay parang nasasaktan din ako.

I blinked rapidly when I felt my tears ready to fall kaya tumalikod kaagad ako para pumasok ng gate pero nahawakan nya ako sa braso.

"Hindi ako papayag. You are not breaking up with me!"

"May karapatan akong mag-decide kung anong gusto kong gawin. At ang gusto ko ay itigil na natin 'to." He ran his hand through his hair as if irritated.

"Tell me why the f*ck you want to do this all of a sudden?! Hanggang ngayon you still don't believe me, is that it?!"

Yun nga ang problema eh...naniwala ako sayo.

"Ace please...tumigil ka na. A-Alam kong may ibang naghihintay sayo," mahinang sabi ko bago ako tumalikod.

Nagsimulang tumulo ang mga luha ko at tinakpan ko kaagad ang bibig ko para pigilan ang paghikbi ko. Papasok na sana ako sa gate nang bigla nya akong hinigit paharap sa kanya.

Hanggang sa maramdaman ko ang matigas na pader sa likod ko at kasunod nun ay ang... pagdampi ng labi nya sakin. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat at napatigil ako sa paghinga!

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon