Chapter 37 ♠ Poser

11.1K 298 20
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

Naka-upo kami ni Ace sa sofa at nanunood ng The Flash. Nakasandal ang ulo ko sa balikat nya habang nilalaro ng kaliwang kamay nya ang buhok ko at para na ding nakaakbay sya sakin.

Sa totoo lang sya lang ang titig na titig sa screen ng TV habang ako ay busy kaka-text. Tinatanong ko si Daphne kung may alam ba syang trabaho na pwede kong pasukan.

Daphne: Best friend! Good news! Si manang, may kaibigan syang katulong din at may available daw na trabaho dun sa pinagtatrabahuan nya.

Napakunot-noo ako. Ano namang klaseng trabaho yun? Katulong din kaya?

Ako: Anong klaseng trabaho?

Daphne: Hindi sure si manang, hindi kasi sinabi. But the problem is malayo sa school. Okay lang sayo? I can tell you all the details tomorrow at sasamahan pa kitang mag-apply.

Matagal akong hindi nakapag-reply. Sigurado na ba ako dito o maghahanap na lang ako ng iba? Pero saying din eh.

Ako: Pag-iisipan ko pa.

Pagkatapos kong i-tap ang send bigla na lang nawala sa kamay ko ang cellphone!

"Who the hell are you texting?" nakakunot-noo si Ace habang binabasa ang conversation namin ni Daphne.

"Ace. Akin na," sabi ko pero ayaw nyang ibalik. Pagkatapos nyang basahin yun nasalubong ko ang galit nyang mga mata kaya napakagat-labi na lang ako.

"You're really serious about this?" tanong nya at napanguso ako.

"Oo naman. Ayoko namang magmukhang gold digger." He sighed deeply and ran his hand through his hair like what he always does when he's mad.

Inalis nya ang braso nya sa pagkakaakbay sakin and crossed his arms.

"So...what are you planning?" tanong nya gamit ang malamig na boses. Ayan na! Galit na!

"Uhm... pag-iisipan ko pa kung papayag ba akong mag-apply dun sa sinabi ni Daphne," humina ang boses ko at nang tignan ko sya seryoso syang nakatingin sa TV.

Niyakap ko sya patagilid nang hindi na sya umimik.

"Galit ka ba?"

"I'm not mad...I'm burning with rage." Napanguso ako. Wala namang pinagkaiba dun.

"Matagal ko nang sinabi sayo na magtatrabaho ako diba?"

"You did... but I never agreed to it. And it doesn't matter now... I can't do anything about it. It's your decision," tumigil sya saglit at tinignan ako.

"But promise me," seryosong sabi nya. Kinabahan naman ako sa sobrang seryoso nya.

"Ano yun?"

"Always take care of yourself and if something goes wrong call me right away." Napangiti naman ako sa sinabi nya at niyakap ko sya nang mahigpit.

"Ang sweet mo naman!" nanggigigil akong niyakap sya at hinalikan ko sya sa pisngi.

"It's not enough. Kiss me here," reklamo nya at tinuro pa ang lips nya. Tinulak ko nga.

"Ayan ka na naman," nakangusong sabi ko pero nakangisi lang syang umakbay ulit sakin. I cuddled closer to him at nanuod na din ng palabas. Ang sarap sa pakiramdam tuwing kasama ko si Ace.

・*:.。. .。.:*・

Nasa cafeteria kami ni Daphne at Maddi dahil lunch time na. Tinatanong ako ni Daphne kung papayag na ba ako dun sa trabaho.

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon