Chapter 21 ♠ Be Careful

11K 296 17
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

Umakyat na ako papuntang kwarto ko para matulog na. Monday na bukas kaya maaga na naman akong gigising.

[How You Get the Girl – Taylor Swift]

♫•*¨*•.¸¸♪✧

I want you for worse or for better

I would wait for ever and ever

Broke your heart, I'll pu—

♫•*¨*•.¸¸♪✧

Huh? Ringtone ko yun ah?

Tumakbo kaagad ako papasok sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko. Sino naman kaya yung tumatawag?

+639351359143

Yun ang lumabas sa missed call ng cellphone ko. Parang pamilyar sakin 'tong number na 'to. Tumawag ulit ang parehong number kaya sinagot ko.

"Hello?" Umupo ako sa kama ko habang hinihintay na sumagot ang nasa kabilang linya. Pero may pakiramdam ako na alam ko kung sino 'to.

[Hey...] Lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses nya. Sya nga!

"Ace?" paninigurado ko.

[Yeah...it's me.] Tumahimik kami saglit pero may naririnig akong ingay sa kabilang linya. Nandun pa rin kaya sya sa building na pinuntahan namin ni Maddi?

"Ahm...bakit ka napatawag?" tanong ko at narinig kong napabuntong-hininga sya.

[Just want to check on you... are you okay?]

"Oo naman," sagot ko at tumahimik na naman ulit kami. Saan ba papunta ang usapan na 'to?

"Bakit mo nga pala ako binigyan ng uniform?"

[Your old one looks tight on you so I bought you a new one.]

Aakala ko dahil gusto nyang baguhin ang itsura ko. May mabait na side naman pala si Ace yun nga lang hindi nya pinapakita. Pero hindi ko yun matatanggap.

"Ace, hindi ko yun kayang tanggapin."

[Why not?]

"Eh kasi... hindi mo yun kailangang gawin. Nagmumukha akong gold digger dito. Baka sabihin nila na hinahabol ko ang pera mo."

[I don't care what they say.]

"Ikaw wala pero ako meron."

[Sh*t... Hindi pa ba sapat na dahilan na gusto kita kaya kita binilhan?! And what the hell do they care?!]

"Pero—"

[Wear it tomorrow or else. Bye.]

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil binabaan na nya ako. I stared at my phone, dumbfounded. Napahiga ako sa kama and covered my face with both hands.

Ugh! Kailangan ko bang isuot yun?! Parang hindi kaya ng pride ko.

・*:.。. .。.:*・

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin and I tugged the skirt down once again. Ang iksi kasi! Pano ba nabubuhay sa ganito ang mga babae dun sa Empire Academy? Hindi man lang ba sila nako-concious? Konting galaw mo lang masisilipan ka na.

Kinuha ko yung mga binili ni Maddison para sakin at lip balm lang ang ginamit ko. Ayoko namang mag eyeliner at mascara. Sa school ako pupunta hindi party.

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon