Chapter 10 ♠ Bully

12.1K 317 4
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

Natapos na ang class namin sa calculus kaya nagpahila na lang ulit ako kay Ace papuntang cafeteria. Pagpasok pa lang namin, as expected, nagsilingunan samin ang mga estudyanteng kumakain.

Sinusundan nila kami ng tingin kaya napayuko ako pero si Ace... hindi man lang naba-bother. Sanay naman ata syang tinitignan eh.

Kukuha sana ako ng tray pero dere-derecho si Ace papuntang unahan! Nagsitabihan naman ang mga pumipila na para bang umiiwas sa kanya. Hindi ba kami pipila?

"My usual order," sabi nya dun sa babae at tumango naman ito.

"Ace... hindi ba tayo kukuha ng tray?" tanong ko sa kanya kaya napalingon sya sakin. Nahugot ko ang hininga ko nang magtama ang mga mata namin. Buti na lang at umiwas agad sya ng tingin bago kausapin ulit ang babae.

I think my heart almost jumped out of my chest. Parati na lang ganun kapag nakikita ko ang mga mata nya.

"Make it two."

Una syang umalis at sumunod ako, hindi naman kami nahirapang maghanap ng vacant table dahil ang mga estudyante ang kusang umaalis, hindi tulad kapag ako lang mag-isa.

Katabi ko si Ace at hindi naman nagtagal dumating na ang inorder nya. Nagsimula na syang kumain pero tinititigan ko pa ang pagkain na nasa harapan ko.

Napalunok ako ng ilang beses bago lingon si Ace tapos sa pagkain ko. Diba mahal ang steak dito sa Empire Academy?! Hindi 'to kaya ng allowance ko!

"Eat, it's my treat," sabi nya na hindi nakatingin sakin. Natigilan ako sa sinabi nya... bakit mukhang mas mabait pa sya kesa kina Wendy?

I just shrug the idea off, mayaman naman sya at sa tingin ko... he's not into being friends with me. Friends? Talaga? Naisip ko talaga yun? Nahihibang na nga ata ako.

Patuloy pa rin sya sa pagkain at hindi ako pinapansin kaya kumain na lang din ako. Isang kamay lang ang gamit ko habang kumakain dahil hindi ko magamit ang kabila.

Kalahati pa lang ang nauubos ko at napalingon sa paligid habang ngumunguya. Nasalubong ko ang nagtataka nilang mga tingin. Hanggang sa makita ko sina Wendy na tinitignan ako ng masama.

Nabulunan ako nang makita ko sila. Tubig!

Ininom ko kaagad ang tubig na nasa harapan ko. Nakalimutan kong makikita ko na naman pala sina Wendy! Mapapatay talaga nila ako!

"Wag mon a silang pansinin," napalingon ako kay Ace nang magsalita sya. Hindi sya sakin nakatingin kundi kina Wendy pero umiwas naman kaagad.

"Bakit ganyan ka sa kanya? Diba girlfriend mo si Wendy?" Huli na nang maisip ko ang tinanong ko sa kanya.

He let out a sarcastic laugh and it made me confused. Mali ba ang sinabi ko?

"Tss. Matagal na kaming tapos." Oo nga pala. Yung nakita ko sa parkig lot.

Natapos na kaming kumain at tumunog na ang bell. Kumabog ang puso ko dahil... paakyat na kami sa 3rd floor. Nang nasa 3rd floor na kami mas lalo akong kinabahan nang nagsilingunan ang mga estudyante samin. Nakakatakot silang tignan lahat.

Maa-identify mo ang taga-Royal Section sa normal na student lang. Ang taga-Royal Section ay kulay red at black ang ID nila at may design na crown. Konti lang din ang mga estudyante bawat year dahil konti lang din ang anak ng may share o di kaya ay donations sa Empire Academy.

Habang naglalakad kami ni Ace ay nagsisitabihan ang lahat. Well... intimidating naman kasi si Ace... and dangerous.

Pumasok kami sa classroom ni Ace at parang hindi na ako makahinga nang makita ko ang ibang myembro ng Chaos! Lahat ng pares ng mata ay nakatuon samin at parang gusto kong tumakbo.

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon