Chapter 30 ♠ Spy

9.8K 263 14
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

Nakaabang ako sa madilim na eskinita na nasa tapat ng Exodus. Isang kilalang club ang Exodus at sa gilid nito ay may eskinita at doon lang ang tanging daan papunta sa abandonadong gusali na tinutukoy ni Chase.

Suot ko na din ang disguise ko at itinago ko ang bag ko na may lamang uniform ko. Mahigit isang oras na din akong naghihintay dito. Nilalamok na nga ako pero wala pa rin si Ace dahil hindi ko nakikita ang sasakyan nya na naka-park.

Talaga bang dito sila magkikita o baka niloloko lang ako nina Chase?

"Boss, malapit nako." Dali-dali akong nagtago nang biglang may mapadaan na lalaki.

"Sigurado bang pupunta nga sya dyan?" narinig ko syang napangisi.

Buti na lang madilim at may kausap sya sa cellphone kaya hindi nya ako napansin nang mapadaan sya. Bakit kinikilabutan ako dun sa tono ng pananalita nung lalaki? Parang may gagawin silang krimen ah.

Makaalis na nga! Baka ako pa mabiktima nun!

Magpapalit na sana ako ng damit nang may blue na sasakyan na huminto at isang babaeng matangkad ang lumabas. Sa posture pa lang nya alam ko kung sino sya... Si Crystal.

Dumerecho syang pumasok ng eskinita kaya nagmadali akong sumunod sa kanya. Hindi ko pa naman alam ang eksaktong lugar na pupuntahan nila.

Habang sinusundan ko sya panay ang tago ko para hindi nya ako makita. Mukhang hindi naman nya ako napansin dahil hindi man lang sya tumigil o lumingon at habang sinusundan ko sya, lalo akong kinakabahan na halos tumalon na ang puso ko.

Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos nito.

Pumasok sya sa loob ng isang abandonadong gusali at napatigil ako. Sigurado ba ako dito sa gagawin ko? Gusto ko nang magback-out! Pero... nandito na ako eh.

Napatingala ako sa mataas na gusali at napalunok. Nakakatakot naman 'to! Sana pala sinama ko si Maddi. Bigla naman akong nakarinig ng ingay mula sa malayo pero nanindig pa din ang balahibo ko sa batok kaya kumaripas ako nang takbo papasok ng gusali.

Napatalon ako nang biglang sumara ang pinto at nabalot ng kadiliman ang paligid!

"Why are you following me?" napatigil ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun. Buti na lang at lumiwanag nang kaunti dahil sa buwan kundi napagkamalan kong multo si Crystal!

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"No, I'm not," pasupladang sagot ko at nakita ko syang napangisi.

"Oh come on. Don't play games with me."

"Ikaw lang ba ang may karapatang pumunta dito? For your information may hinihintay ako."

Hindi sya nagsalita kaagad at parang ine-examine nya ako. Bigla naman syang napakunot-noo.

"Sino ka ba talaga?" Naramdaman ko naman na seryoso sya.

"All you need to know is I'm Alexis," I talked back.

"Know what? Never mind. Wala akong matinong sagot na makukuha sayo," ang huling sabi nya bago sya lumabas.

Ang suplada pala talaga ng Crystal na yun. Ewan ko ba kung bakit natitiis sya ng Chaos lalo na si Ace!

Sumunod kaagad ako sa kanya palabas pero napatigil kaagad ako nang may anim na lalaki ang nakaabang. S-Sino sila?!

"Nandito ka pala Crystal? What a coincidence," sabi ng isang lalaki at nagtawanan silang lahat. Sa tono palang ng pananalita nila alam kong inaabangan nila si Crystal.

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon