Chapter 17 ♠ Different Approach

12.2K 359 61
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

Pinunasan ko ang kamay ko pagkatapos kong maglaba. Konti lang naman ang labada kaya madali akong natapos. Narinig kong boses ni Bianca kaya naisipan kong ibigay na sa kanya ang form para makapagluto na ako.

Pagpasok ko sa sala kakababa pa lang nya ng hagdan. Nakita nya akong nakatingin sa kanya at tinaasan nya ako ng kilay.

"What are you looking at?" Kinuha ko ang form sa drawer bago lumapit sa kanya.

"Form para sa pagtransfer mo," sabi ko sa kanya at hinablot kaagad nya ang form mula sa kamay ko. Tinitigan nya ito na halos dumikit na ang papel sa mukha nya.

Bigla na lang syang tumili at nagtatalon sa tuwa tapos tumakbo sa sala kung saan nanonood ng TV sina Aunty.

"Ma! Pa! Makakapasok na ako sa Empire Academy!"

"Talaga? Mabuti naman kung ganun," sabi ni Aunty kay Bianca at kung anu-ano pang papuri ang pinagsasabi nila. Pagkatapos nyang sulatan ang form binigay nya ulit sakin. May kausap sya sa cellphone nya.

"I'm finally going to Empire Academy!...I don't know when but I'll tell you... We have to celebrate tomorrow," tumango-tango pa sya at nag-giggle. "I told you he likes me!"

Umalis na ako para ilagay ulit ang form sa drawer bago magluto.

・*:.。. .。.:*・

Pagka-umaga ganun pa rin ang nangyari sa school. Hindi pa rin ako pinapansin ni Maddi dahil parati akong ginugulo ni Patrick.

Natapos ko na ding ibigay kay Sir Kendall ang form, wala namang problema kaya nakabalik kaagad ako sa classroom namin.

Sana nga hindi na lang ako bumalik kaagad, lalo ata kasing nagagalit si Maddi sakin. Yung mga kaklase ko naman parating nang-aasar may iba naman na naiinis din. Imposible daw na seryoso si Patrick sakin, ano daw ang nakita nya eh mas maganda raw sila.

Hindi ko na lang yun pinansin pa. Kung gusto nila sakanila na si Patrick.

Natapos na ang morning classes namin nang mag-ring na ang bell. Hindi ko na hinabol si Maddi nang lumabas sya. Kahit naman anong gawin ko gagawa pa rin sya ng paraan para matakasan ako.

Hindi naman ako nagtagal sa classroom dahil nandun pa si Patrick at ayaw kong makita nya ako. I just walked down the corridor as thoughts started to run around my brain. Nang biglang may humablot sakin at kinaladkad ako sa kung saan.

"Daphne? Saan mo na naman ako dadalhin? Hindi 'to daan papuntang cafeteria ah?"

"Sumunod ka na lang sakin." Napatakbo ako dahil tumatakbo din sya at hawak nya ang braso ko. Lumiko kami sa corridor na walang tao at doon na nya ako binitawan.

"Ano na naman bang balak mo?" Hindi nya ako sinagot...instead sinabihan nya akong huwag aalis sa kinatatayuan ko. Napa-iling na lang ako nang lumiko sya at nawala na sa paningin ko.

Sumandal ako sa pader habang hinihintay ko ang babaeng yun. Hanggang sa kumalam na ang sikmura ko hindi pa rin sya nakakabalik. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

Nasaan na ba yun? Papatayin nya ba ako sa gutom dito? Hindi na nga ako nakapag-agahan pati tanghalian ipagkakait din sakin?

"Let go of me!"

"Makipag-cooperate ka na lang pwede?"

Napatayo ako nang tuwid nang makita ko si Daphne na hinihila si Maddi. Bigla akong nakaramdam ng kaba lalo na nung magtama ang paningin namin. Ito ba yung sinasabi nya kahapon na sya na ang bahala?!

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon