Chapter 48 ♠ Scar

7.8K 218 5
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

"Guys! Tara na!" narinig kong tawag ni Daphne mula sa labas.

Excited kami ni Cath na sumilip sa bintana. Kumaway sina Maddi samin at kumaway din kami pabalik. Naisipan nila na mag-bonding kami bago ang pasukan kaya pupunta kami ngayon sa isang beach house.

"Cath, wag mong kalimutan ang gamot mo," paalala ni Dwayne.

"Yes, Kuya. Don't worry, sasama naman si Ken. Sophia, tara na."

Hinila na ako ni Cath palabas. "Sa-Sandali, yung bag natin."

"Sina Ken at Kuya na ang bahala dun. Let's go!"

Paglabas namin ng gate may nakapark na na isang puting SUV. Inilagay nila ang bag namin sa likod ng sasakyan.

"Dude, may surprise kami sayo," sabi ni Zack at nagtaka naman si Ace. Nakangiti silang lahat maliban samin ni Ace at Cath na walang alam.

"What surprise?"

"Look behind you."

Napalingon naman kami at may pamilyar na itim na sasakyan ang nagpark. Lumabas si Chase at binigay kay Ace ang susi.

"Are you kidding me? You're giving me a car?" sabi nya na hindi makapaniwala.

Inakbayan sya ni Chase. "Hindi samin galing 'to. Binilhan ka ng bagong kotse ng parents mo. Maserati Grancabrio din 'to katulad ng dating kotse mo pero nasira na yun nung aksidente. Kaya heto. It's all yours."

Kaya naman pala pamilyar. I smiled at the good memories I had with him before.

He touched the brand new car at hindi na maalis ang ngiti sa labi nya. "Can I use it?"

"Oo naman."

"Wow! It looks so cool, Ken. Gusto kong umupo sa harap," excited na sabi ni Cath at pinagbuksan naman sya ni Ace.

It felt like something clenched at my heart and I breathed deep. I used to sit there and since nandito na si Cath... iba na ang sitwasyon ngayon.

"Alright, let's go. The beach is waiting for us and the girls are waiting for me," nakangising sabi ni Dennis at sinuot ang shades nya.

Pumasok na sina Maddi sa loob at susunod na sana ako nang tawagin ako ni Ace. "Sophia. Hindi ka sasabay samin?"

Napalingon ako sa kotse nya tapos sakanya at tipid akong ngumiti. "Hindi na," sabi ko at umupo sa tabi ni Maddi.

"Best friend! Anong ginagawa mo dito?" pabulong na sumigaw si Daphne.

"Ayokong saktan pa lalo ang sarili ko noh."

"Get out, dun ka na sumabay sa kanila." Tinulak pa ako palabas ni Maddi at pinandilatan ko sya ng mata.

"Ayoko nga sabi. Ayokong makita silang magkasama."

"Silang dalawa lang dun. Who knows what's gonna happen."

"Ang halay ng iniisip mo Maddi ha!" Hindi naman ganun si Ace. May respeto yun sa babae. Pero hindi na maalis sa isipan ko ang idea na yun. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pano kung may mangyari nga?!

"Ang ibig kong sabihin, pano kung magholding-hands sila o di kaya mag-kiss? Ikaw ang mahalay dyan!"

"Oo nga naman Best friend. Dapat nandun ka para may istorbo." Pati si Daphne tinulak na din ako.

"So ako ang magiging istorbo?" tinaasan ko sya ng kilay.

"Basta pigilan mo sila. Sige na! Aalis na sila!"

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon