Chapter 32 ♠ Thump

9.8K 278 7
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

Dalawang araw na ang lumipas but the memory is still fresh and it keeps replaying inside my head. Araw-araw na ding dumadalaw dito si Crystal. Ewan ko ba sa babaeng yun parang araw-araw ding walang pasok.

Kapag pumupunta sya dito tuwing lunch naka-school uniform pa sya tapos umaalis din naman pagkatapos. Hindi ba sya napapagod?

Hindi ko alam kung coincidence lang ba o may something dahil parati kong nakakasalubong silang dalawa. Madalas ko na ding nakikitang kasama ni Ace si Crystal. Pinagseselos ba nila ako? Dahil sa totoo lang wala akong pakealam. Gawin na nila ang gusto nilang gawin... but... I can't hide the fact that it affected me. Ugh!

Katulad ngayon...

Uwian na pero nandito pa rin si Crystal at hinatid sya ni Ace papuntang parking space. I swear hindi ako nag-spy, napadaan lang talaga ako. May iilang estudyante pa naman at hindi naman ata nila ako napansin. I kept my expression as blank as possible.

"So I'll see you later?" narinig kong tanong ni Crystal kay Ace at tumango lang si Ace bilang sagot.

Saan sila magkikita? May date ba sila?

Nanlaki ang mga mata ko nang akmang hahalikan ni Crystal si Ace. I badly wanted to look away but... my eyes were glued to them.

It was a mere inch left and Ace turned his face kaya sa pisngi sya nahalikan ni Crystal. I don't know why but it didn't make me feel any better.

"You better go," narinig kong sabi sa kanya ni Ace at padabog syang pumasok sa sasakyan nya tapos umalis. Tumalikod naman kaagad ako at umalis. My stupid heart won't slow down even a bit.

Hinihingal ako nang makaupo ako sa bench at napahilamos ako sa palad ko. Ano na bang nangyayari sakin? Hindi ko na naiintindihan ang nararamdaman ko.

Napabuntong-hininga ako and looked up... pero iba na ang nakita ko. "Hey," nakangiting bati ni Zack.

"Uhm... anong ginagawa mo dito?" napalingon ako sa paligid at hindi naman nya kasama ang Chaos.

"Nagpapahinga lang ako sa ilalim ng puno nang marinig kong may dumating." Umupo sya sa tabi ko at umayos ako ng upo.

"Hindi naman ako magtatagal. Mauna na ako," tatayo na sana ako nang hawakan nya ako sa braso ko.

Napatingin ako sa kamay namin tapos sa kanya.

"Let's talk," sabi nya.

・*:.。. .。.:*・

"Please understand him," napalingon ako kay Zack nang magsalita sya.

Naka-upo kami ngayon sa bench na nasa gilid ng pathway, konti na lang ang mga estudyante na nandito dahil hapon na.

"Ang taas ng pride nya...but I understand him. Ace, I mean. Honestly, when I first met him we were 9 or 10 years old and I already hate him kahit na hindi pa man kami nagkaka-usap," napalingon ako sa kanya nang mapatawa sya nang mahina.

"May gusto kasi akong babae nun pero sya naman ang gusto nung babae. One time hinarangan sya nung babae sa hallway na may dalang card at nag-confess sa kanya pero nilagpasan nya lang ito. Na-inis ako sa kanya dahil sobrang arogante nya at ang sama ng ugali," pagpapatuloy nya pero napansin kong nawala ang ngiti sa labi nya.

"Until I've found out what really happened to him. Sabi ng papa ko hindi daw kasalanan ni Ace kung bakit ganun ang asal nya so he wants me to befriend Ace." I suddenly became curious.

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon