Chapter 7 ♠ Help!

11.7K 297 6
                                    

Alexandra Sophia Samaniego

Napabuntong-hininga ako nang makita ang repleksyon ko sa salamin. Tapos na ako sa mga gawaing-bahay pati na rin ang paghahanda para pumasok. Napalingon ako sa wall clock dito sa loob ng kwarto ko. Maaga pa naman.

Isang linggo akong absent dahil hindi ko kayang pumasok. Sobrang sakit ng katawan ko dahil pinagbuhatan na naman nila ako ng kamay pagka-umaga nung umuwi ako galing sa club.

Hanggang ngayon hindi pa rin gumagaling ang mga pasa ko sa katawan. Buti na lang long sleeve ang uniform namin pero hanggang mid-thigh lang ang palda namin kaya may ilang pasa na nakikita pati na din ang sugat ko sa tuhod. Nagsuot na din ako ng knee socks para matakpan.

Tinitigan ko pa nang maigi ang sarili ko sa salamin. I breathed out a frustrated sigh nang makita na sobrang putla ng labi ko at may cut din ako sa gilid. I also have a small bruise on my neck so I let my brown hair down.

Hinalungkat ko sa drawer ang concealer pati lip balm na binigay sakin ng kapitbahay namin nung pasko. Nilagyan ko ng concealer ang sugat ko sa gilid ng labi ko kahit na mahapdi at nag-apply na din ako ng lip balm para hindi maputla ang labi ko.

I looked at myself in the mirror one last time and went downstairs. Pagkababa ko ng hagdan, nakita ko si Aunty na nasa living room at nagbabasa ng magazine.

"Aalis na po ako," mahinang sabi ko at naghintay na magsalita si Aunty pero hindi nya ako pinapansin kaya lumabas na lang ako ng bahay. Si Uncle lang ata ang pumasok sa trabaho, siguro dadating ang mga kaibigan ni Aunty.

Lumabas na ako ng gate at nagsimula nang maglakad. Hindi ako nagtataxi o nagdyi-jeep dahil hindi naman gaano kalayo ang Empire Academy. At isa pa, ayokong mag-aksaya ng pera dahil may mga gastusin din ako sa school.

Habang naglalakad ako, nagulat ako nang may bumusina. Paglingon ko sa likod, napahinto ata ako sa paghinga. Sinundan ko ng tingin ang kotse hanggang sa nasa tabi ko na ito. Bumaba ang bintana nito at nakita ko ang lalaking kinakatakutan ko.

"Get in," sabi nya sakin. Napakurap ako at agad na umiling.

"Hindi na, ahm, may...dadaanan pa kasi ako," pagdadahilan ko.

"Come on, Alexandra. I'm being nice here," sabi ulit ni Austin. Hindi ko alam kung anong susunod na sasabihin ko dahil sa kaba. Ayokong magalit sya pero...

"Ano pa bang inaarte-arte mo dyan?! Pumasok ka na nga lang! Male-late na ako!" napalunok ako nang sigawan ako ni Bianca kaya pumasok na lang ako sa kotse at sa likod ako umupo.

Pinaandar na nya ang kotse at sa labas lang ako ng bintana tumitingin. Nakakapagtaka lang na pinagamit pa rin ni Uncle ang kotse kay Austin dahil inuwi nya itong may dent. Peaceful sana ang byahe pero tinanong ako ni Austin kaya napalingon ako sa kanya.

"Magkakilala kayo ni Ace?" Parang kumabog ang puso ko nang marinig ko ang pangalan nya.

"H-Hindi," tanging sagot ko.

"Then why did he take you last week?" Napakagat ako sa labi dahil hindi ko alam kung anong isasagot.

"Ahm may... inutos lang sya."

"Can you two just shut up?" biglang singit ni Bianca. Napatawa nang mahina si Austin at nakita ko syang napa-iling.

Ilang minuto pa ang dumaan, huminto na ang kotse at bumaba na ako. Inayos ko ang buhok ko para matakpan ang pasa ko, aalis na sana ako nang lumabas si Austin.

"Nice school," komento nya habang pinagmamasdan ang paaralan namin. Magpapaalam na sana ako nang may magsalita.

"Naligaw ka ata dito, Gonzales?" Napalingon kaming dalawa ni Austin. Zackary Dixon is leaning on his blue car with a smirk on his lips.

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon