Chapter 54 ♠ Because of Me

8.8K 252 30
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

Nakasandal lang ako sa headboard ng kama at nakatingin sa kawalan. Tatlong araw na akong nakakulong dito sa kwartong 'to.

Hindi ko alam saan nila ako dinala at sa bawat segundong lumipas ay umaasa akong may sasagip sakin. I wish that someone will open that door and get me out of this place. Gusto ko ng umalis pero kahit na anong hiling ko ang tanging magagawa ko lang ay ang magdasal at maghintay.

Inaamin ko na naiisip ko si Ace... and the more I think about him the more my heart aches. I bet he's with Catherine right now.

Umaasa din ako na sana mali ang akala ko...but I have to face the reality. He doesn't care about me, I bet he doesn't even realize I'm missing.

The light peeping on the curtains were slowly fading. Hapon na... another day has gone by at walang kasiguruhan na papakawalan nila ako.

Narinig kong bumukas ang pinto and I glared at him when he stepped inside.

"How's the trapped princess?" he grinned and sat on the chair.

"Ano pa bang kailangan mo sakin?! Pakawalan mo'ko!"

He crossed his arms and shook his head. "Not yet, I'm not yet done with you."

"You won't get away with this."

He smirked. "You think?"

"Sinabi mo na sakin na wala akong halaga kay Ace. Mali kayo ng kinuha!"

"You're right. We we're planning on kidnapping you three years ago and it would have been worth it but then we thought Ace died so we just let you go to France."

Napatigil ako sa sinabi nya. How did he...

"You were spying on me?!" I spat.

"Yup and I have a little reminder for you," he leans in and I backed away. "Don't give your trust so easily."

"Anong ibig mong sabihin?"

"I heard you've met one of my boys." The smirk he had never leaves his face at napalingon ako sa likod nya nang may pumasok. I was stunned when I saw him.

It was Keir...

"K-Keir?"

Hindi ako makapaniwala. Keir is a good guy! Ilang beses na nya akong tinulungan noon bakit... Bakit si Keir pa?

As I look into his eyes parang hindi na sya ang Keir na nakilala ko. Masayahin ang Keir na kilala ko at palangiti. Pero ang Keir na nakikita ko ngayon ay blangko ang expression. Na para bang hindi nya ako kilala.

"This is Keir Dalton and I must say, without his help hindi ka sana namin makukuha. Wouldn't it be a waste?"

"Ba-Bakit?"

Hindi sumagot si Keir at si Lyndon na ang sumagot. "He's not the problem, you are. You're just too trusting," he laughed and I badly want to rip his head off.

Nung panahon na may hinahanap si Keir sa Empire Academy... ako pala ang hinahanap nya kaya sya nagtatanong tungkol sa kung sino ang girlfriend ni Ace. Pero... ano bang kailangan nila kay Ace at nadadamay ako?

"Ano bang kailangan mo kay Ace?"

Tumayo sya at napatingala ako sakanya. "Can't tell but I do have this motto in my life... an eye for an eye...a life for a life," sabi nya bago tumalikod sakin.

Humarap sya kay Keir at may cellphone na binigay si Keir sakanya...yung cellphone ko. Anong gagawin nya dun?

He looked at me and next thing I knew... kinunan nya ako ng picture bago sila lumabas ng kwarto.

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon