Chapter 57 ♠ All I Want

10.8K 286 30
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

Nang bumukas ang mga mata ko...nasa isang hindi pamilyar na lugar ako. Nasaan ba ako? Lumibot ang paningin ko at may nakita akong IV sa tabi. Nasa ospital ba ako? Mukha nga.

Napalingon ako sa may pinto nang bumukas ito at pumasok sina Maddi at Daphne.

"Best friend?! Gising ka na!"

"Thank God! We were so worried!"

Lumapit agad sila sa tabi ko at sinubukan kong umupo nang makaramdam ako ng kirot sa kaliwang balikat ko.

"A-Ahh!"

"Wag ka munang tumayo. You were shot on your shoulder," sabi ni Daphne at tinulungan naman ako ni Maddi na makahiga ulit.

"Nabaril ako?"

Now they've mentioned it... naalala ko na ang lahat! Kinulong ako ni Lyndon sa isang glass cage tapos...sinagip ako ni Ace. Si Ace!

"Nasaan si Ace?!"

"Sophia, relax. He's just in one of the rooms down the hall. He's fine now but the thing is...he was shot too... and he hasn't woken up yet."

Hindi ko na alam anong nararamdaman ko... alam kong okay lang sya pero hindi ko pa rin mapigilang mag-alala. Nabugbog at nabaril sya for Pete's sake!

"Anong nangyari kay Lyndon?"

"Wala ka ng dapat ipag-alala, Best friend. Wala na sya...as in wala na talaga sa mundong 'to. He was shot on the head... kaya sya namatay."

Pinilit kong inalala kung pano nangyari yun pero wala talaga. Ang huling naaalala ko lang ay...palabas na kami ni Ace sa fire exit...tapos nakaramdam ako ng matinding sakit sa balikat ko and I guess I passed out.

Tatlong araw pa akong nanatili sa ospital bago ako na-discharge. Palagi naman akong binibisita ng barkada at nina Cath at Dwayne.

Masaya sila na nagising na ako pero may kulang pa din... hanggat hindi nagigising si Ace hindi pa tapos ang nararamdamang lungkot namin.

Sa kanilang lahat nakikita kong si Cath ang pinakamalungkot. Alam kong mahal nya si Ace at gaya ko hindi ko din makakayang mawala si Ace. Parati syang nasa room ni Ace dahil nagbabakasakali syang bigla syang magising.

Nakakaramdam ako ng selos syempre but I brushed it off. Nags-stay lang si Cath sa room ko para kamustahin ako.

"Hey, Sophia. How are you? May dala akong fruits," sabi ni Cath at ngumiti lang ako.

Inilagay nya ang dala nya sa may table at umupo sa upuan na nasa malapit. Natutulog sina Maddi at Daphne sa kabilang upuan kaya nakapag-usap kami.

"Madi-discharge na ako bukas... hindi na ako makapaghintay," sabi ko. Nung isang araw ko pa nga gustong umuwi.

"Hmm. I bet ganun din si Ken... if he only wakes up."

Nakita ko ang pamamasa ng mga mata ni Cath at hinawakan ko ang kamay nya. She wiped her tears first before looking at me.

"Pasensya na...worried lang talaga ako eh. Five days na syang hindi pa nagigising."

"Cath, lahat naman tayo worried sakanya kaya hindi ka nag-iisa. Kilala ko si...Ace, matapang sya. Magigising din yun... hindi man ngayon pero balang-araw. Magugulat ka na lang nauna na yung nakauwi kesa sayo."

Mahinang napatawa si Cath and her grip on my hand tightened. "Tama ka."

Habang pinapanuod ko sya... I've made up my mind.

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon