Chapter 1 ♠ Move

32.7K 571 35
                                    

Threatened by A Gangster

Copyright © 2014 by Maiochiru

All rights reserved

Edited: 2020

--

Alexandra Sophia Samaniego

"Sophia."

"Mmm?" Napalingon ako sa best friend ko na katabi ko. Mata nya lang ang nakikita ko dahil tinatakpan ng kalahati ng librong hawak nya ang mukha nya. Naglilikot ang mga mata nya na para bang kinakabahan sya.

"Miss Samaniego." Naagaw naman ang pansin ko nang mas malakas na boses ang tumawag sakin... at napangiwi ako. Alam ko na ata kung bakit kinakabahan si Maddi.

"Uhh...Miss?" Dahan-dahan akong tumayo. Nanlilisik ang mga mata nyang nakatingin sakin. Pati mga kaklase ko ay nakatingin na din.

"Are you paying attention?"

Bumuka ang bibig ko para i-defend ang sarili ko pero wala akong maisip na excuse. Sa lahat ng drama na nangyayari sa buhay ko ay nags-space out na ako dahil masyado kong iniisip yun. Alam ko din na hindi tatanggapin ni Ms. Salvador ang ibibigay kong excuse.

"Sorry po," mahinag sabi ko at umupo. Her eyes narrowed at naramdaman ko naman ang bawat pawis na tumulo mula sa noo ko.

"Listen up and this goes for everyone. If you don't want to go in this class, the door's open. Empire Academy is looking for quality not quantity. Understand?"

"Yes. Ms. Salvador," sabay naming sabi. Pinagpatuloy na nya ang discussion nang na-satisfied na sya sa sermon nya.

Hindi ito ang first time na napagalitan ako. Kadalasan ay late ako at minsan naman ay nakakatulog ako sa klase. Hindi naman sa irresponsable ako. Sinabi ko na nga kanina, parating may drama sa bahay.

"I wouldn't be surprised if the principal's going to talk to you," mahinag sabi ni Maddi sakin.

"Nagtataka nga ako bakit hindi pa ako pinapatawag."

Lumingon sya sakin na kumikislap ang mga mata. "Kung ipapatawag ka, sasama ako." She sighed dreamily. "I think I'm going to melt if I'll get close to Sir Kendall."

"Ano ka ba? Ang layo ng age gap nyo."

"Hey, he's just...like 31 or 33 tsaka gwapo at mayaman na, sila pa ang may-ari ng Empire Academy. I bet if I'll be his girlfriend I'll graduate as class valedictorian."

"May girlfriend si Sir Kendall. Tsaka hindi ka ba nandidiri sa pinagsasabi mo?"

"'Course not. I'll be a great Castañeda one day, don't you think?"

"Kung gusto mong maging Castañeda yung kapatid na lang nya ang i-date mo. At least yun two years lang ang gap nyo."

"Ha! Yun? I know he's dropdead gorgeous... and hot...pero ayoko pang mamatay. I feel like if he'll just look at me, you'll find me lying on the ground...dead."

"Ang OA mo, hindi naman siguro totoo yung mga chismis tungkol sakanya."

"Sophia, it's not chismis because it's true that A—"

"Miss Favero." Napatigil si Maddi nang sya naman ang tawagin at bago sya tumayo ay pinandilatan nya ako ng mata. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko para pigilan ang tawa ko.

Natapos na ang klase namin sa Physics at may 30-minute break kami. Inilagay ko na sa loob ng bag ko ang binder.

"I swear, that woman is a monster!"

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon