Chapter 26 ♠ Beautiful Stranger

11.3K 276 12
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

"Anong plano natin?" tanong ko kina Maddi at Daphne. Tinignan naman nila ako na nagtataka at nagkatinginan sila. Vacant naming tatlo ngayon kaya nandito kami sa shed sa garden na nasa harap ng school building.

"Akala ko ba hindi ka sasama?" tanong ni Daphne. Natigilan naman ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang pakay ko dun sa Blackwood. Psshhh. Baka asarin lang nila ako.

"A-Ano...Nagbago ang isip ko." Binigyan ako ni Maddi ng isang nakakalokong ngiti at sinundot pa ang tagiliran ko.

"Ikaw ha! Kunwari ka pa. Sabihin mo na lang kasing nag-aalala ka sa namja chingu [Boyfriend] mo!" Ayan na naman yang alien language na yan. Hindi ko na naman sya naiintindihan.

"Anong chonggo?"

"Sabi ko, boyfriend mo!" sabi nya at napailing.

"Pero tama si Best friend, anong plano natin? Mamayang gabi tayo pupunta, hindi ba?" sabat ni Daphne. Maddi leaned closer to the table and so did we.

"Here's the plan," lumingon si Maddi sakin. "Text us if they're already going there. Don't call dahil baka may makarinig, arasseo? [Understand?]" Tumango ako.

"At seven, pumunta kayo sa bahay namin. Hinanda ko na lahat."

"Sandali, bakit kami pupunta sa bahay nyo? Anong gagawin namin dun?" tanong ni Daphne.

"We need disguises, duh! Hindi tayo makakapsok kung ganito lang ang suot natin. We need to look like gangsters!"

"Sandali," ako naman ang sumabat.

"What?! Kanina pa kayo reklamo nang reklamo." Napakamot ako sa ulo.

"Eh kasi hindi ako pwedeng lumabas ng bahay, magagalit sina Aunty."

Maddi crossed her arms over her chest and thought hard. Pati kami ni Daphne nag-isip na din ng plano kung paano ako makakatakas. Pakiramdam ko tuloy ako si Rapunzel, yun nga lang sa attic ang kwarto ko at hindi tower.

Pano ako makakatakas? Pano ako makakatakas? Pano ako makakatak— Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko yun pero wala akong makuhang sagot. Hanggang sa magsalita si Maddison.

"I got it!" Napalingon kami sa kanya.

"I'll call Manong to bring your disguise mamaya."

"Ibigay mo na lang din sakin yung disguise ko," ani Daphne.

"Why? Alam mo ba where's Drackwood?" tinaasan pa sya ng kilay ni Maddi.

"Oo nga noh? Sorry, sige sabay na tayo."

"Anong oras naman tayong pupunta sa Drackwood?" tanong ko.

"Eight or nine," sagot ni Maddi. Ayy may problema ako dyan.

"Hindi pa ako pwedeng lumabas sa oras na yan. Usually kasi nine sila matutulog at ako ang nagla-lock ng mga bintana at pinto."

"Ganito na lang," simula ni Daphne. "Alam mo naman saan ang Drackwood hindi ba?" tumango ako.

"Dun na lang tayo magkikita sa Drackwood. We need to wear... something para makilala natin ang isa't isa."

"Hinanda ko na din yan. We're gonna wear a mask and gold bangle."

"So ano? May problema pa? Malapit nang matapos ang vacant time natin," sabi ni Daphne at tinignan ang wrist watch nya. Umiling naman kami ni Maddi kaya nagsitayuan na kami.

"Kita na lang tayo mamaya, bye!" tumakbo na sa kabilang direksyon si Daphne and we waved goodbye at her.

・*:.。. .。.:*・

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon