Chapter 27 ♠ Alexis

10.1K 290 12
                                    

Alexandra Sophia San Mañego

Derederecho akong papasok sana sa loob ng Drackwood nang harangan ako nung dalawang lalaki na malalaki ang katawan. Yikes!

Tumigil naman ako nang tinignan nila ako mula ulo hanggang paa. Kailangan ko atang pagbutihan 'tong pag-a-acting ko. And so I crossed my arms over my chest and shoot glares at them.

"What?" maangas na tanong ko. Sa buong buhay ko hindi ko na-imagine na magagawa ko 'to.

Nagkatinginan silang dalawa na para silang nag-uusap at tanging sila lang ang nakakaalam. Pero ilang sandali ay umalis naman sila sa pagkakaharang sa daanan ko.

Nilagpasan ko na sila at parang gusto kong magtatalon sa tuwa! Kung hindi dahil sa maskara na 'to hinding hindi ko isusuot 'tong disguise ko.

Kinulang ata 'to sa tela eh! Kahit kelan hindi ako nagsuot ng short shorts at never ko ding nagawang ipakita ang belly button ko. Nagpapasalamat na lang ako sa maskara na suot ko dahil walang nakakilala sakin.

Pagpasok ko sa loob narinig ko agad ang malakas na music at bumungad sakin ang napakadaming tao. Na-concious naman ako nang napalingon sakin lahat. Nakakatakot naman dito at akala ko ba may gang fight? Night club 'to eh! Siguro nagsisinungaling yun si Ace dahil nagkikita sila nung Crystal na yun.

Patay ka sakin Castañeda 'pag nakita kita! Itago mo na yang babae mo at baka makalbo ko! Nasaan na nga ba sina Maddi?!

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko dahil baka mahuli ako ng mga tao dito at isumbong pa ako dun sa dalawang mamá na nasa labas. Hindi pa naman ako marunong lumaban! Kahit naman siguro may alam ako wala pa rin akong binatbat sa dalawang yun. Ang lalaki kaya ng mga katawan nun.

Nilibot ko ang paningin ko para hanapin sina Maddi. Hindi naman siguro mahirap yun dahil kami lang ata ang nakasuot ng maskara at gold bangle.

Naglakad-lakad pa ako dahil hindi ko talaga sila makita. Kahit na napaka-awkward dahil halos lahat sinusundan ako ng mga tingin nila hindi ko na lang yun pinansin.

Hanggang sa may nakita akong dalawang babae na naka-upo sa stool at mahaba at itim ang buhok nila tapos may gold bangle sila sa braso nila. Sila na ata yun!

Nilapitan ko naman kaagad sila at tumabi sa kabilang stool kaya napatingin sila sakin. Napatigil silang dalawa sa pag-uusap at bigla na lang akong tinitigan. Hindi ba ako nakikilala ng dalawang 'to?

Itinaas ko ang braso ko para ipakita ang gold bangle kaya dumapo doon ang tingin nila. Kahit na hindi ko masyadong nakikita ang mata nila pero sa kilos pa lang nila alam kong nagulat sila dahil bigla silang sumigaw!

"Shhh! Ano ba kayo? Baka mahuli tayo!" saway ko sa kanila.

"Hindi ka talaga namin nakilala! You look," Daphne paused and looked at my outfit. "Hot!" pagpapatuloy nya. Hinawakan naman ni Maddi ang wig na suot ko.

"Blonde hair really suits you!" sabi nya at inalis ko ang kamay nya.

"Ano ba? Baka malaglag."

Nag-order na kami ng drinks at pasimple naming hinahanap ang Chaos. Hindi naman kami nahirapan dahil tinuturo sila nung dalawang babae na tumabi samin kanina. Yung isa parang gusto kong kalbuhin dahil naging ex pala yun ni Ace. Buti na nga lang at umalis na agad sila eh.

Hinanap ko naman yung Crystal pero wala naman akong babaeng nakitang lumapit sa kanila. Sina Dennis, Chase at Zack lang ang may katabing babae at pakiramdam ko wala sa kanila si Crystal. Hindi naman kasi magmamadali si Ace nun kung past time girl lang pala sya nina Dennis.

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon