Chapter 34 ♠ I Love You

10.7K 281 17
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

A-Ako?

Anong ibig nyang sabihin sa challenge? M-Makikipaglaban ako?! Baka nga pagtapak ko pa lang sa stage mamatay na ako eh!

"Now this is exciting folks! Crystal is challenging the mysterious and beautiful Alexis to an underground battle!" Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao at hindi man lang ako makagalaw.

"Good luck out there, babe. I'll cheer you on," sabi pa ni Dennis at hindi man lang gumaan ang pakiramdam ko. Gusto ko ng tumakbo paalis pero nakatitig ang lahat sakin.

Napalingon ako kay Ace at nagdasal n asana may miracle at tulungan nya ako kahit na hindi nya ako kilala. Pero nang lumingon ako sakanya ay bagot lang syang nakatingin sa stage at wala man lang syang ginagawa.

Nainip na ata yung lalaking nagsasalita at nilapitan na nya ako. Nilahad nya ang kamay nya... at wala na akong nagawa kundi tanggapin yun. Nangangatog ang tuhod ko nang makatayo na ako sa stage.

"Just a moment ago, you were so brave talking back to me. Now, let's see how you fight." Ngising sabi ni Crystal at hindi na ako makaisip pa ng isasagot.

Nagpapasalamat nga ako na nakamaskara ako at hindi gaanong obvious na takot na takot ako. Oh God! Help me!

Napaigtad ako nang bumusina, hudyat na simula na ng laban. Nanlaki ang mga mata ko nang sumugod si Crystal at tanging nagagawa ko lang ay umilag. Pero masyado syang mabilis at natatamaan nya ako.

Napadapa ako at napadaing nang masipa nya ako sa tagiliran. Bakit ba hindi na lang kasi ako umalis agad eh. Tatayo sana ako when she suddenly towered over me at nag-crouch sya. I shoot glares at her.

"What? You were so brave coming here... without knowing that anybody can challenge you here. Kaya nga mostly sa mga tao ay nasa itaas lang eh. Honestly, swerte ka pa nga eh... pasalamat ka kilala kita."

She smiled and sighed. "Well Alexis, it's time for everyone to know who you are."

Hindi agad ako nakakilos nang hinawakan nya ang maskarang suot ko. Pinigilan ko ang kamay nya and I held tight on my mask. My eyes blurred because of the tears and my lips trembled.

"Let go!" She tugged harder.

"Stop it." Out of nowhere, I heard that cold familiar voice and it made me cry. Pero hindi tumigil si Crystal.

"I SAID STOP!" Dun lang tumigil si Crystal at napatakip ako ng bibig para pigilan ang hikbi ko.

"B-But Ace..."

Nagulat ako nang biglang may humila sakin patayo at hinila ako palayo. It was Ace. Tahimik lang ako nang lumabas kami ng Drackwood hanggang sa nakalayo na kami ay doon lang nya ako binitiwan.

"ARE YOU F*CKING OUT OF YOUR MIND?!" Napaigtad ako nang sigawan nya ako.

"A-Aalis na ako," pumihit ako pero napatigil din nang magsalita sya.

"Stay where you are or else," may diin ang pagkakasabi nya at hinarap ko sya.

"Or else ano?! Hindi mo ako kilala!"

He scoffed. "Hindi kita kilala?" He suddenly yanked off my mask and threw it to the ground then stepped on it. Completely breaking it to pieces.

"Yeah, at first I didn't. But the way you stare? The way you blush and the way your lips trembled when you feel scared? I knew it's you! What the hell were you thinking, Sophia?!"

Fresh tears leaked out from my eyes. "Gusto ko lang namang... masiguro kung... totoo nga ba ang sinasabi mo."

"Sinabi ko naman sayong ikaw lang hindi ba?! Kailan ba ako nagsinungaling sayo?! Were my words not enough?!"

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon