Chapter 22 - He's Full of Surprises (part 1)

2.7K 60 15
                                    

Isang araw na lang bago mag boards and Sarah hasn’t heard a thing from Gerald yet.

Tamad na tamad siyang bumangon. Kaya natulog na lang siya.

Tinignan niya ang phone niya pero wala man lang text or miss call from Ge kaya pinatay niya na ito.

Pumikit siya at nagdasal, “Lord, nasa ibang bansa na sila mommy tapos pati si Ge wala?”

Naiyak na talaga siya.

“Ikaw na lang ang meron ako kaya wag mo ako iiwan ha.”

Biglang nahulog ang Bible na bigay sa kanya ni Gerald, nagbukas ng mata si Sarah at tinignan kung ano ang nahulog. Nakita niya ang Bible na nasa sahig at nakabuklat dahil sa pagkakahulog.

Pinulot niya ito pero nahagip ng mata niya ang isang verse na lalong nagpaiyak sa kanya.

“Never will I leave you;

    never will I forsake you.”

(Hebrews 13:5)

 

She felt that it was God talking to her.

She kneeled in prayer, out of gratitude dahil kahit mukhang tinalikuran na siya ng mundo ay di naman siya nag-iisa.

“Parte lang sila ng buhay ko hindi sila ang buong buhay ko.”

Dahan-dahan siyang tumayo at nagbukas ng pinto ng kwarto niya.

“WE LOVE YOU SARAAAAAAAAAH!” sigaw ng mga unexpected visitors niya.

Pumutok ang mga party poppers, nalaglag ang confettis, nakita ni Sarah sa paligid ang mga kaibigan niya.

Lahat ng mga bisita niya ay may suot na party hat.

Andun si Anne na may hawak na tarp na may nakasulat “We are here for you, Sarah!”

Si Gerald naman ay andun rin may hawak na cake na may figurine na kamukha ni Sarah.

Andun din sila Shin, Yeng, Erik at Sam.

Si Sarah na naka pajama lang ay nakalimutan na ang lahat ng lungkot niya.

Naiyak ito pero ngayon ay sa saya.

Tinitigan niya si Gerald na papalapit sa kanya. Nilapag nito ang cake sa table niya at niyakap siya ng mahigpit.

“I’m so so sorry. I was so busy planning this out.”

Sumimangot si Sarah at naluluha pa din.

“Ganyan ka na lang ba lagi ha!? Mawawala ka bigla kapag may pinaplano kang surprise para sa’kin? Huhuhu!”

Niyakap niya ulit si Gerald.

“Sorry na.” bulong ni Ge.

Only Heaven KnowsWhere stories live. Discover now