Chapter 3 - Proper Decorum

3.6K 32 4
                                    

*************************************************************************************************************

"Good morning everyone!" the clinical instructor, Ms. AiAi delas Alas greeted them. "Naku nakakatuwa naman at nandito pa rin kayo. Gusto niyo pa rin mag nurse?! Hahahaha! No kidding aside masaya kami na nandito pa rin kayo sa realms ng De La Salle University College of Nursing. Welcome sophomores!"

Nagpalakpakan ang mga estudyante. Nasa front row si Gerald kasama ang kanyang childhood best friend at churchmate na si Kim. Orientation nila since first day pa lang naman. Medyo boring ang program, nag introduce ng staffs at first tapos nag discuss ng mga policies si Ms. delas Alas.

"Girls, kailangan hindi lang mapuputi ang uniform nyo at plantsado, syempre dapat ang mga buhok nyo ay nakapusod neatly. Kagaya ni.. ni.. Teka makahanap nga ng mabubuting example." Tumingin sa paligid si Ms. delas Alas at nakita ang mga nasa front row. "Mr. Anderson tsaka Ms. Chiu halikayo!" tinukso sila ng mga classmates nila. "Ay! May issue? Hala.. Kayo na ba?" tanong ng clinical instructor. Nahihiyang tumayo sa harapan sila Ge at Kim. "Hindi po hahahaha!" natatawang sagot ni Kim. "Naku baka naman kasi torpe itong si Ge." sabi ni Ms. delas Alas. Namula lang si Ge sa hiya. "Anyway, as I was saying, girls, dapat ganito ang buhok nyo gaya ni Ms. Chiu. Neatly tucked at.." Napalingon silang lahat sa entrance dahil rinig na rinig ang takbo ng heels niya. "Aha! Late ka!" Ms. delas Alas commented. "Sino yan? Sino yang pasaway na yan?" dahan-dahang lumingon ang babaeng nakalugay, naka heels at ang daming accessories sa katawan. "Hi ma'am. Hihi!" kabadong naka ngiti si Sarah habang naka sign of peace. "Uy, Ms. Geronimo! Ikaw pala yan. Halika dito! Late ka na naman." sabi ni Ms. AiAi. Hinanap ni Sarah kung saan nakaupo ang boyfriend niyang si Ray, "Hon! Help!" bulong nito pero na distract siya ng tinawag siya ulit ni Ms. AiAi "Miss Geronimo I'm waiting. Punta ka dito NOW." she emphasized the world "now" para maramdaman ni Sarah ang authority niya. Nakayuko pero nakangiting pumunta si Sarah sa harap. "Bullshit talagaaaaaa" bulong ni Sarah habang naglalakad papunta sa harap. 

"Miss Geronimo, late ka na naman. Aba sophomore na kayo ganyan ka pa rin. Ang ganda ganda mo pa namang bata tapos papa late mo ang iyong beauty?" sabi ni Ms. AiAi

"Sorry na mam." Sabi ni Sarah na sinusubukan pa ding gamitin ang charms niya para di na siya pahiyain sa harap. "Hindi ako galit sayo pero halika. Ikaw na lang gagawin kong example." nagtawanan ang mga classmates nila at ang iba nag kantyawan. "Ito, ganito ang hindi nyo dapat gayahin. Girls, bawal ang dangling earrings. Bawal ang bracelets, at bawal ang nail polish. Bawal ang singsing. Bakit Miss Geronimo ikakasal ka na?" nagtawanan ang lahat. "Oo kaya! Diba hon?" tawag niya kay Ray. Napaismid si Gerald sa ginawa ni Sarah. 

"Juvenile Delinquent" he commented inside his head. As much as ayaw niyang maging judgemental, medyo natuturn off kasi siya sa mga ganitong types of girls. 

Nagpatuloy sa pag eexplain si Ms. AiAi pero hindi pa pinauupo ang tatlo. Ngumiti si Kim kay Sarah. "Hi Kimberly!" bati ni Sarah. "Hehehe. Ikaw talaga, pasaway ka pa rin Sarah." sabay hawak sa bewang nito para hindi sila gaanong awkward sa harap nag chismisan na lang sila. "Eh ikaw naman kasi masyado kang good girl Kimmy." comment ni Sarah. "Hindi naman. Uy! Kailan ka ba free para masama ka namin ni Ge sa church?" tanong ni Kim. "Ha? Ah... Eh.." nag isip siya ng palusot. "Naku Kim, busy kasi ako malapit na kasi ang debut ko eh. Punta kayo ah." sabay ngiti din kay Gerald na nagkukunwaring hindi nakikinig sa usapan nila. Nakatingin lang ito kay Ms. AiAi at kunwaring nakikinig sa mga sinasabi nito. 

"Ang suplado talaga nyang boyfriend mo, Kim!" sabi ni Sarah sabay taas ng kilay. "Hindi ko boyfriend yan tsaka nakikinig lang yan kay Ms. AiAi. alam mo na. Baka kasi i-quiz at kailangan ma perfect niya. Hehehehe!" Natawa ng malakas si Sarah at napansin sila ni Ms. AiAi. "Ay sorry hindi ko pa pala napapaupo ang mga 'to. Hahaha! Kundi pa to tumawa ng malakas si Ms Geronimo. O anong masasabi mong pinatayo kita?" ngumiti si Sarah pero malapit na siya mapikon. Pero ayaw niyang maging loser sa harap ng lahat kaya she fronted her bubbly personality. "I feel honored po! Malapit na ang 18th birthday ko! Invited kayong lahat! Ang motif ay NURSING UNIFORM. Bawal pumasok ang walang proper decorum! Hahahaaha!" Nagtawanan ang buong klase. Pinaupo na silang tatlo at nagpatuloy ang orientation. 

Tumabi na si Sarah sa boyfriend at mga kaibigan niya. "You are such a bad ass Sars!" Anne Curtis, her bestie, commented. "I know! Hahaha!" Sarah answered. "Hay nako, ikaw talaga ang Queen B dito." sabi ni Cristine Reyes, ang isa pa niyang barkada. "Gusto niya akong ipahiya eh. Akala niya naman I'd succumb. I may be a bitch, but I'm the best bitch in town." Ngiti niya. Na turn on naman si Ray sa sinabi niyan yon kaya hinawakan siya nito sa bewang at bumulong, "I like that line. Kailan mo papatunayan sakin yan?" "Soon." Sarah answered and gave him a teasing look.

************************************************************************************************

 ₪ Author's Note ₪  

Sorry medyo liberated talaga ang character ni Sarah dito. Peace tayo :D 

Only Heaven KnowsWhere stories live. Discover now