Chapter 8 - God First!

3.2K 66 16
                                    

MONDAY

10 a.m.

Nagising si Sarah sa tili ng isang pamilyar na boses.

"Aaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!!"

Si Anne. Lagi naman itong ganun pag bumibisita sa bahay nila. Direcho na sa kwarto nya.

Kaya ayaw na ayaw ni Philip sa kanya eh.

Hindi siya nagpaapekto sa ingay ng kaibigan. Nag tulakbong ito ng comforter at pumikit.

Tumalon talon naman si Anne sa kama nya.

Nalaglag si Sarah sa sobrang kulit ni Anne.

"Fuck! Ano ba Anne!?"

She exclaimed.

"Hahahaha! Ayaw mo kasi gumising eh excited akong marinig from you kung kayo na ba ni Anderson?"

Nakaupo na si Anne sa kama.

"Diba we've talked about this already?"

Sabi ni Sarah habang dahan dahang bumalik sa kama at humiga ulit.

"Check this."

Inabot ni Anne ang phone nya na nasa tab ng rumorhasit.com

May picture na naman sila ni Gerald sa parking lot, nung inaalalayan siya ni Gerald sa pag baba ng sasakyan.

"Ngayon ka pa papatol sa mga ganito nila Anne?"

"Hahaha! But darling.. may picture pa kasi kayo with his family. Scroll mo."

Sarah obliged at nakita niya ang picture nila nung nag lalunch sila together.

"Oh e ano ngayon?" Sabi ni Sarah.

"Rumor has it that Sarah and Gerald are getting married."

Anne recited the line na naalala niyang nakasulat sa site.

"Married? Bungga siya. Married agad di ba pwedeng... nagkaka developan pa lang?"

Pangiting sabi ni Sarah sabay tago sa comforter.

"Aaaaaaaaahhhhh!" Tili ulit ni Anne na pilit ni tinatanggal ang comforter sa mukha ni Sarah.

"Nadedevelop ka na kay nerdy boy?"

"Tse!" Sigaw ni Sarah na naka ngiti naman.

"What happened ba kasi.. nagtatampo na ako sayo ha."

Anne pouted.

Sarah sat up straight told Anne everything that happened.

"Hahaha!" Anne laughed. "New life? Ikaw!? Oh come on. That's not you Sarah.

Don't be silly.

Hay naku!

Physically bagay kayo ni Anderson pero kung magiging isa ka na ring weirdo at Jesus freak kagaya niya,

stop it."

Natigilan si Sarah sa mga sinabi ni Anne.

Anne's phone beeped.

"Sarah I should go na. May ka meet up pa akong guy."

"Uuuuy sino yan?"

"Just a random hook-up! Haha! Get back in the game, Sarah. Ipapakilala kita tomorrow kay Kean, isa siyang singer na pamatay ang abs. Tigilan mo na yan si Anderson. He doesn't belong to our world. You don't belong to his either."

Bumeso na si Anne kay Sarah.

"Pag iisipan ko." Yun na lang ang nasabi ni Sarah.

"Wala kang dapat pag-isipan. Mas masaya to noh kesa sa mga inooffer ni Anderson sayo."

Only Heaven KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon