Chapter 10 - His New Mission

3.2K 64 19
                                    

₪Author's Note:

Ang sarap-sarap po basahin ng mga comments niyo sobrang nakakataba ng puso. Sana narereplyan ko po lahat. It's my way of thanking you all po. Kung meron man akong di na replyan pasensya na.

But rest assured po I read each of them. Maraming-maraming salamat po! :)

Sinubukan ko talaga mag update asap for all of you kahit phone pa din gamit ko dahil love ko kayo

n___n

So here you go.. ₪

*************************

Namutla si Gerald sa revelation ni Sarah.

"Oh oh oh! You promised." Turo-turo niya ng daliri si Gerald.

Namumutla pa din si Gerald at di makakilos o makapagsalita.

"Hmmmmmmp! Nag promise ka Geraaaald." Tinakpan ni Sarah ang mukha habang nagpapadyak ang mga paa na parang toddler na nagtatantrums.

"B..bakit naman ganun panaginip mo?"

Nakapagsalita sa wakas si Ge sa takot na baka magtampo na naman si Sarah sa kanya.

"Hindi ko alam." Muffled ang boses nito dahil nakatakip pa din ang kamay sa mukha.

"Hay... Kahit medyo awkward sakin pero.." tinanggal niya ang mga kamay ni Sarah sa mukha.

"Kalimutan mo na yun, okay?"

He reassured her.

"Hindi ka ba galit?" Sabi ni Sarah.

"Bakit naman ako magagalit?" He smiled. "Ikaw naman parang baby. Hehehe! Hindi ako macho dancer, okay baby?"

"Okay." Kumalma na si Sarah.

Gerald pinched her cheeks. "Ang cuuuuuuute cuuuuute mo pag natatakot para kang baby!"

Sarah pouted. "Kaya pala kahit natatakot na ko sayo lapit ka pa din ng lapit"

"Hahaha! Medyo.. teka eh kung ganun ang panaginip mo.. bakit takot na takot ka sakin?"

Nanlaki ang mga mata ni Sarah hindi niya alam kung pano ipapaliwanag. Napalunok siya at di makapagrason.

Alangan na mang sabihin niya na "Eh kasi Gerald natuturn on ako at ayaw kita pagnasahan." Nge! Ang pangit naman diba?

Gerald understood her silence.

"Oh sige kung hindi ka comfortable na pag-usapan yan, okay lang. Basta bati na tayo ha. Namiss ko talaga tawa mo buong araw eh."

"Asususus!!!" Ginulo ni Sarah ang buhok nito. "Baka ma fall ka sakin Budoy. Hehehe.."

"Bawal?" Gerald half-jokingly said

"Diba sinabi ko na sayo yan."

"Eh pano kung ligawan kita?"

Gerald is now sincere with his words.

"Ahhhh... ehhhh... ano..."

Hindi makatingin si Sarah, sobra siyang kinabahan.

Gerald sensed she's not yet ready kaya binawi niya na lang. "Joke! Uuuuy... ang baby ko, umasa! Hahahahaha!"

Pinalo siya ng malakas ni Sarah habang tumatawa ito.

"Ikaw nga tong hopia eh tignan mo may pag baby2x ka na."

"Hopia?"

"Hopia! Hoping.. Umaasa.."

"Hahaha! Akala ko naman nagugutom ka pa din e kakakain lang natin. Tara hatid na kita baka hinahanap ka na ng parents mo."

"Hanap ka dyan. E kahit yata lumipad ako ngayon mismo papuntang pluto eh di ako hahanapin ng mga yun sa ka busyhan."

Only Heaven Knowsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن