Chapter 19 - Can I Trust You With My Heart?

2.7K 49 36
                                    

₪Author's Note:

Patawad po sa matagal na update, nahirapan po talaga ako. Dagdagan pa ng sunod-sunod na events. Christmas parties left and right. Pasensya na po. ^______^

By the way share ko lang na na-inspire ako ng sceneries ng Subic dahil kagagaling ko lang po doon at doon ko ito sinulat. Hehehe! 

 :D

***************************************************************************************************************************************

Three weeks before the boards, Sarah moved in to a condo unit along Metro Manila. It was a late graduation gift from her mom.

A week before the exams…

 

*knock*knock*knock*

Dahan-dahang tumayo si Sarah papunta sa pintuan. When she saw Gerald she smiled faintly.

Gerald: “Hi. I tried to call you pero di kita ma contact. What’s wrong bakit ang putla mo?”

Sarah: “Ge, I’m sorry. I’m not feeling well kasi.”

Pumasok na si Gerald, akmang sasarado ni Sarah ang pinto ng inagaw ito ni Ge sa kanya.

Gerald: “Umupo ka na lang. Ako na mag sasara.”

Sumunod naman si Sarah. Umupo siya sa sofa. Maya-maya ay tinabihan siya ni Gerald.

Gerald: “Anong nangyari sa’yo?”

Sarah: “Sinisipon, inuubo, nagsusuka…”

Hinimas ni Gerald ang noo ni Sarah.

Gerald: “Kailan pa? Ayos ka naman kahapon nung nagsimba tayo ah.”

Sarah: “Kaninang umaga lang.”

Gerald: “Kumain ka na?”

Umiling-iling si Sarah.

Bigla namang tumunog ang takore nito sa kusina na hindi malayo sa sala.

Tatayo na sana si Sarah para kunin ang pinakuluang tubig pero pinigilan siya ni Ge.

“Ako na.” sabi nito at inalalayan si Sarah sa pag upo ulit. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa kusina at pinatay ang stove.

“Ge, paki lagay yan sa cup noodles na nilagay ko sa table.” Pakiusap ni Sarah.

“Ito lang ang kakainin mo?” tanong ni Gerald.

“Oo eh. Tinatamad na ako magluto kasi.” Sabi ni Sarah sabay higa sa sofa.

Masama talaga pakiramdam niya dahil sa kakasuka.

Pinikit ni Sarah ang mga mata. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

GERALD’S POV…

“Kawawa naman ‘to. Ito lang ba kakainin niya ngayong gabi?”

Isip-isip ko habang binubuhos ko ang mainit na tubig sa cup noodles na hinanda niya.

Pagtapos ay hinalo ko ito. Dahan-dahan akong pumunta sa nakahigang Sarah.

“Baby ko, ito na po ang pagkain mo…” malambing kong sabi kaso paglapit ko sa kanya nakita kong tulog na pala siya.

Hehehe… Ang cute! Kaso halatang hindi siya okay.

Maputla siya ngayon at malalim ang mga mata.

Only Heaven KnowsWhere stories live. Discover now