Chapter 33 - Beautiful Mess

2.2K 78 46
                                    

Pumunta na sila Gerald at Sarah sa kusina.

Umupo si Sarah sa tabi ni Junior at sa kabilang gilid niya naman umupo si Ge.

“Ate siya ba ang daddy ni baby?”

Bulong ng bata.

Natigilan ang lahat sa pagkain.

“Chismoso ka talagang bata ka kahit kalian. Di maganda yan.”

Sabi ni Aling Sarai na pasimpleng kinurot ang bata.

“Aray naman! Nagtatanong lang naman po nay. Sorry po.”

Sagot ng bata.

Ngumiti si Sarah kay Junior.

“Oo siya ang daddy ng baby ko.”

Natuwa naman si Gerald sa narinig.

Kasalukuyang nilalagyan ng kanin ang plato ni Sarah.

“Eh di hindi ka na iiyak ate? Di ka na brokeng hark?”

Nagtawanan ang lahat sa sinabi ng bata bukod kay Gerald.

Yung thought pa lang na sinaktan niya si Sarah, para na siyang sinasaksak sa dibdib.

================================================

“Maraming salamat po sa inyo.”

Niyakap ni Sarah ang mag-asawa.

“Walang anuman yun hija. O tisoy, wag  mo na to paiiyakin ha. Dapat pag balik niyo dito hindi na problema dala niyo kundi invitation card sa kasal niyo.”

Sabi ni Mang Dolpho.

Kinamayan siya ni Gerald.

“Mang DOlpho maraming salamat po sa pag aalaga kay Sarah.”

Mahigpit na niyakap ni Aling Sarai si Sarah.

“Alam mo ne, kahit hindi ka nag kwento masyado tungkol sa mga problema mo eh naiintindihan ko ang pinagdadaraanan mo. Minsan din ako nagging bata at nagkamali… Ang importante, matuto tayo ditto. At wag na natin ulitin pa.”

“Opo..Salamat po.”

Sagot ni Sarah nang magbitaw sila ng yakap.

Only Heaven KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon