Chapter 43

561 26 1
                                    

JANA

Habang hindi pa busy sa kasal ni Kuya, inasikaso na namin ni Ada yung bedroom renovation. Next week, pwede na kami mag move in.

Gusto ko na matuloy yung kasal ni Kuya kasi ako lang naman dahilan bakit yun na-postponed. Kumpleto naman na lahat, mula sa venue hanggang reception. Kasal na lang talaga.

Ayos lang naman siguro na ituloy na yon kasi private at intimate naman. Hawak na rin naman ng mga pulis yung gunman, wala naman na sigurong magtatangka sa buhay ko o ng kahit sino sa amin.

Ngayon, plano ko lang na ipakilala ng pormal si Ada sa mga kaibigan ko.

"Love, remember my squad?" Tanong ko sa kaniya.

"Yeah, you and Shara's circle." Sagot niya.

"Meet sana natin sila ngayon, ipapakilala kita. Matagal ko na rin kasi 'yon pinangako sa kanila." Malambing kong sabi.

Knowing Ada, hindi yan kinakabahan. Siya pa ba? Kapal kaya ng mukha niyan.

"Sure, let's go?" Aya niya.

Oh, di'ba? Game na game agad. Pero I know somehow nag iisip yan kung magugustuhan ba siya nung mga 'yon. Sure naman akong magugustuhan siya ng mga kaibigan ko. Maldita with a heart 'yan e.

I called Shara para sabihing on the way na kami. Nandoon kasi sila sa tambayan.

"Let's buy foods for them kaya?" Suggest niya habang nasa kotse.

Nagpadrive lang kami ulit at magpapasundo na lang mamaya.

"Why? Papa-impress ka?" Pang aasar ko sa kaniya.

Inirapan niya lang ako.

Dumaan na lang kami sa mall para mag take out ng pizza.

Si Ada ang chill lang talaga. Parang ako tuloy yung kinakabahan e.

Pagpasok namin sa tambayan, parang huminto yung mundo ng mga kaibigan ko. Tumigil sila sa kaniya-kaniya nilang ginagawa at tinignan kami.

"Pizza?" Alok ko at itinaas ang boxes ng pizza.

"Yun oh! Solid talaga manlibre to si Jana e. Lagi tayong busog 'pag ito kasama." Biro ni Paul at kinuha ang boxes mula sa kamay ko para ilapag sa table kung nasaan yung iba pang pagkain.

"Actually, those are not from me. Galing yan kay Ada." Nakangiti kong pahayag sa kanila.

Hinawakan ko ang kamay ni Ada at lumapit kami sa pwesto nilang lahat.

"Guys, ito nga pala si Ada. Sabi ko naman sa inyo mami-meet niyo siya di'ba?" Pagpapakilala ko kay Ada.

"Papakilala lang, kailangan magkahawak pa kayo ng kamay?" Puna ni Amber.

Nakita kong tinapik siya ni Cheska.

"Hi, Ada. Ako nga pala si Francheska.." Pakilala ni Cheska sa sarili niya.

".. ito naman si ate Rosie, si Emy, si Roxy, tapos yung sabik sa pagkain, si Paul yun. At ito naman si Amber. Alam ko kilala ko na si Shara." Parang naging spokeperson si Cheska dahil pinakilala niya isa-isa kay Ada yung mga kaibigan namin.

The AntagonistWhere stories live. Discover now