Chapter 16

2.5K 97 1
                                    

JANA

Hindi ko ma-gets kung bakit umiiyak si Ada. Big deal ba sa kaniya na naiwanan ko siya?

Of course, that was a big deal.

Na-guilty ako sa mga sinabi ni Ada. Kaya minabuti kong suyuin siya para makabalik na kami sa opisina.

"Ada, come on. Magagalit ang Dad mo kung 'di natin matapos yung gagawin natin for today." Sabi ko sa kaniya.

Nandito kami ngayon sa sala niya. Mahigit isang oras ko na siyang sinusuyo at nauubusan na ko ng pasensya dahil hindi niya ako pinapansin. Naka crossed arms lang siya at nanonood sa Netflix.

Tuwing susubukan kong magsalita ulit, titignan niya ko ng matalim at iirapan.

"Ada, don't be stubborn. We need to go back to the company." Pagsusumamo ko rito.

"Why? Because your girlfriend is waiting?" Saad nito na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"How many times do I have to tell you that Lucy is not my girlfriend? Eew lang, please." Naiinis kong sagot.

Dahil malapit ako sa mga lalaki, may pagka boyish ang kilos at pananamit ko, hindi ibig sabihin noon na lesbian ako. I'm so not into girls. Ni-girl crush nga wala e. Not until I met Ada-- wait, what did I just say?

"Alam mo, don't be shy. I won't judge you." Seryoso nitong sabi.

"Hay, ewan ko sayo!! Ang kulit mo!! Pag hindi ka pa tumigil, bibitbitin kita papunta sa kotse para makabalik na tayo." Nagsisimula na akong mapikon.

Magsasalita nanaman sana siya ng biglang sabay na nag ring ang mga cellphone namin na nakapatong sa glass table sa harap namin.

Tumatawag ang Dad niya sa kaniya habang tumatawag naman si Lucy sa akin.

I didn't answer the call, napataas naman ang kilay ni Ada. Kinuha niya ang cellphone niya at sinagot ang tawag.

"Hello, dad? Yes. Yep. Huh? Wait." Sunod-sunod na sabi nito.

Ano kaya ang pinag uusapan nila ni tito? Baka malagot na ako dahil sabi ko may binili lang si Ada pero pati ako biglang nawala.

Ni-loud speaker ni Ada ang phone niya at ibinalik sa table.

"Jana, anak. Ikaw ha. Hindi mo naman sinabi sa akin kaagad na gusto mo lang pala masolo yung bunso ko. Pero okay 'yan, gusto ko 'yan. Mabuti naman at nagkakamabutihan na kayo." Saad ni tito Adrian na nasa kabilang linya.

Gusto kong matuwa dahil at least hindi galit si tito. Pero hindi nakakatuwa na akala niya nagkakamabutihan kami ng anak niya. In fact, malapit na kaming mag wrestling.

"Ay. Hehehe. Kayo talaga, tito. Pabalik na po kami ni Ada riyan. Di'ba, A--"

"NO!! Siya lang ang babalik, Dad." Pagputol ni Ada sa akin.

"Naku, mga anak. Walang babalik. Sige na, mag bonding na kayong dalawa riyan at 'wag muna isipin ang trabaho. Sa iba ko na lang ipapatapos yung mga naiwan niyo." Tuwang-tuwa na sabi ni tito at pagkatapos ay nag end na ang call.

Walang umiimik sa amin ni Ada. Nakatutok ulit siya sa TV, habang ako naka kunot-noo at tinitignan ko siya ng masama.

Biglang nag ring ulit ang phone ko. Hindi yata namalayan ni Ada na sa akin 'yon dahil kinuha niya ito at sinagot ang tawag at ni-loud speaker pa na hindi man lang tinatapunan ng tingin ang cellphone.

"After 48 years! Nasaan ka ba, Jana? Nakalimutan mo yatang kasama mo ako. Nandito na ako sa tapat ng unit katabi ng sayo. Sabi kasi ng guard dito ka nakitang pumasok kanina, ayon sa CCTV review." Madaldal nitong sabi.

Tinignan ko si Ada, kung ano ang reaction niya. Pero nanatili siyang naka poker face.

I immediately ended Lucy's call. Binulsa ko na rin ang phone ko.

"Babalik na ko sa unit ko." Paalam ko kay Ada.

"Oh, alis ka na agad? Why don't you invite Lucy here? Tsaka, gusto mo ba sabihin ko kay dad na hindi talaga tayo magkasama ngayon?" Mapang-asar na sabi nito.

"Really, Ada?! Oh my gosh, you're impossible!!" Pikon kong sabi.

Napahilamos na lang ako ng mukha at nanatiling nakaupo.

May kung anong masamang elemento naman ang sumapi kay Ada. Bigla niya akong nilapitan, sobrang lapit. Naka-ngiti siya ng nakaka-loko. Umupo siya sa lap ko at nakaharap sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko at pakiramdam ko, nagwawala ang mga laman-loob ko kasama pati apdo.

Hinawakan ni Ada ang mukha ko, tine-trace niya ang jawline ko tapos bumagsak ang kamay niya sa balikat ko habang ang isa ay nakapalupot sa batok ko. May sarili naman yatang buhay ang mga kamay ko dahil hinawakan ko ang bewang niya upang hindi siya mahulog.

Lumapit pa ang mukha naming dalawa hanggang sa ang mga ilong namin ay magdikit na. Hindi pa rin naalis sa mukha niya ang ngisi.

Ang kamay niya na dumapo sa balikat ko ay iba na ang ginagawa ngayon. Nilalaro niya yung ano ko. Juskong babae 'to. Pinaglalaruan niya yung tenga ko. Ano bang alam niyo na nilalaro niya?

Nakikiliti ako sa ginagawa niya kaya napapa-pikit ako at tinitignan siya ng matalim.

Bumalik ako sa wisyo ng may narinig kaming bumagsak. Napatingin kami ni Ada sa pinanggalingan ng tunog. Hindi ko na pinansin ang reaction ni Ada dahil mas mahalaga ang kahihiyan ko. Jusko naman talaga. Pahamak siya sa buhay.

Nakita ni Lucy ang posisyon namin ni Ada.

The AntagonistWhere stories live. Discover now