Epilogue

308 9 0
                                    

Third Person

Taon ulit ang lumipas. Maraming nagbago sa loob ng maikling panahon. May kanya-kanyang buhay ang bawat isa, ngunit nagpapasalamat ang lahat dahil matapos ang ilang taon na pag iingat mula nung insidente, tuluyan nang namuhay ng tahimik ang lahat.

Ang parehong kumpanya ay parehas na lumago. Pinaka tanyag na ang mga ito maging sa mga karatig bansa.

Tahimik. Pero hindi lahat ay naging masaya.

Nung araw na nagbigay ng testimonya ang kriminal, siya ring araw na parang gumuho ang mundo nina Ada at Jana.

~*~

JANA

"Taon na rin nakalipas, pagbigyan mo na sana kaming isama ka sa bakasyon. Maniwala ka, makakatulong naman yun sayo." Saad ni Roxy.

Nagpa-plano silang mag out of the country dahil anniversary ng grupo. Ilang taon na akong hindi nakakasama sa kanila pero bumabawi naman ako. Kaso yung ngayon, parang hindi ko pa talaga kayang mag unwind.

"Isusumbong kita sa Mama at Papa mo, puro ka trabaho. Mag unwind ka." Sabat ni Shara.

Kahit naman magsumbong sila, maski magulang ko ay hindi ako mapilit sa mga paglabas labas na iyan.

"Bakit ba ayaw mong sumama? Tingin mo ba pag nagpaiwan ka lang dito, babalik yon?" Halatang inis na bigkas ni Amber.

Doon na ako na-trigger. Tumayo ako at tuluyan ng umalis.

Taon na ang lumipas pero ang lungkot pa rin. Ang bigat pa rin. Tapos ipapamukha pa sa akin ni Amber yon? Kahit kailan, hindi ko gusto tabas ng dila niya.

Umuwi na lang ako sa bahay namin. Magkukulong nanaman ako, lulunurin ang sarili sa trabaho. Ganito na ang naging routine ko mula noon.

Minsan naiisip kong wag na umuwi sa bahay namin. Kasi bawat sulok, siya lang naaalala ko. Parang nakapako na sa mga walls yung ngiti at tawa niya. Buong bahay, naaamoy ko siya.

Mali nga yata na umuwi ako dito. Tuwing nandito ako, wala na akong ginawa kung hindi isipin kung anong dahilan niya. Para kasing deja vu, iniwan na lang ako bigla.

FLASHBACK

Excited pa akong umuwi nung araw na yon. Sa wakas ay uuwi na ako sa tahanan ko matapos ang ilang linggong pagta-trabaho. May bonus pa dahil nadagdagan ang pamangkin ko.

Pasakay pa lang ng eroplano ay may nararamdaman na akong mali. Magkausap kami through chat pero parang ang bigat? Parang may mali. Hanggang sa hindi na siya nagrereply, iniisip ko ay baka nakatulog o hindi kaya'y busy sa pag aasikaso sa asawa ng kuya ko.

Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano ay sinigurado kong nakahanda ang sasakyan ko para makauwi agad. Miss na miss ko na si Ada.

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan. Mabilis pero nag ingat ako dahil gusto ko pa siyang uwian. Hindi na nga ako nakapag park sa tamang lugar, mamaya ko na lang aayusin. Uunahin ko ang yakap at halik.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa pintuan namin, bago ko pa man ito mabuksan ay kusa itong nagbukas. Niluwa ng pinto si Ada, mugto ang mga mata, wala sa sarili, at may dalang dalawang maleta.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon