Chapter 2

4.9K 114 5
                                    

JANA

Walang maganda sa umaga 😑 Hindi ako nakatulog sa ingay ng bago kong kapitbahay.

Bali-balita rito na yung bagong lipat ay ang bunsong anak ng pinaka powerful na businessman dito sa bansa. Spoiled brat daw ito at nanggaling pa sa San Diego, California.

'Wag na 'wag ko lang talaga siya makikita, kung sinoman siya, dahil baka kung ano na lang ang magawa ko sa kanya.

*Dingdong*

Nabalik ako sa sarili nang may magdoorbell. Siguro ay ang bestfriend ko na ito. Sinabi ko kasi na sunduin niya ako at sabay kaming pumasok.

I am wearing a white top, which I tucked in with my high-waist denim shorts. And then I'm wearing my white Converse.

"Hoy Jana Sherry!! Ano, 'di mo ako pagbubuksan?"

Ay. Nasa labas nga pala ang dakilang bessy ko.

"Heto na, can't wait eh?"

Paglabas ko ay nakabusangot na ito at binigyan ako ng tingin na animo'y may nakalimutan ako ngayon.

"What? " I asked.

"Really, Jana?! Nalimutan mo talaga?!"

So may nakalimutan nga ako?

"Ano ba yun? " Walang gana kong sagot.

"Bakit ka pa ba kasi nagpasundo sa'kin ? Di'ba sinabi sa'yo ni Ben kahapon bago tayo umuwi na sabay kayong papasok ngayon? I am pretty sure kanina pa siya doon sa parking." Pagpapaalala nito sa akin.

"Ah, talaga? Tara na pala." Walang gana kong tugon na para bang walang nangyari.

Siya nga pala si Shara Mei Fuentes. Ang dakila kong best friend. Yung pamilya namin at pamilya nila ay matagal ng magkaibigan.

Si Ben naman, yung nag aantay sa amin, Ben Paulo Lim. Ang kaisa-isang lalaki na naglakas-loob na ligawan ako.

"Jana, umamin ka nga. Boyfriend mo na ba si Ben ?" Tanong ni Sha.

"Alam mo, Sha. Kailangan mo ba talaga ulit-ulitin 'yang tanong mo? Sa araw-araw na lang na ginawa Ni Lord. Hindi nga sabi. Hindi, hindi, at hindi." Mahabang litanya ko.

Nakasakay na kami sa elevator para magpunta sa parking kung nasan si Ben.

"Bakit ba ayaw mo pa siya sagutin? Four years na siyang nanliligaw sa'yo. Kung ako ikaw, matagal ko na siyang sinagot." Seryosong sabi niya.

"Kasi swerte ako? Dahil gwapo siya, mayaman, at mabait? Kabisado ko na 'yan. Araw-araw mo ba naman sinasabi e. But bessy, I'm not you. Ilang beses ko na rin naman siyang sinabihan na tigilan na ang panliligaw. Hindi naman talaga ako pumayag na manligaw siya sa'kin di'ba. Kung gusto mo, ikaw na lang ang sumagot sa kaniya. I'll be your shipper at magiging masaya pa ako noon."

Inirapan niya lang ako at naunang lumabas ng elevator. Pinuntahan agad nito ang binata at hinarot nanaman niya ito.

Napailing na lang ako at tuluyan ng pumunta sa kanila.

The AntagonistWhere stories live. Discover now