Chapter 30

1.6K 46 4
                                    

ADA

Oras na lang yung bibilangin, nasa Pilipinas na ulit ako. Nilabas ko ng kwarto yung dalawang malaking maleta ko at doon pa lang nakita ni Mommy na naka-impake na pala ako.

"You're going home, Ada Gaile?" Tanong niya sa akin.

Napa-irap ako bago sumagot. "This is actually my home, I'm just going back to the Philippines, our family's home. Besides, this is what you want, right?"

Halata sa tono ko ang pagka-asar. Ewan ko ba, mula noong bumalik ako rito, naging mortal enemy ko na si Mommy. Pero dati naman nung di pa ko pumupunta sa Philippines, siya yung kakampi ko. Nagbabago talaga siguro yung ihip ng hangin.

Gaya ba ng nararamdaman mo kay Jan-- What the heck, bakit sumasabat yung utak ko tapos kung ano-ano pa sinasabi.

"Our family's home, so basically, that's your home, too. And oh by the way, I'm going there soon." Sagot ni Mommy habang nagbabasa ng magazine at 'di man lang ako tinapunan ng tingin.

Balakadyan Mommy. Charot.

Ano raw? Uuwi siya ? Huh.

"Kahit 'wag na, mom." Pabulong kong sabi.

Isang malaking gulo siguro 'pag umuwi rin siya ng Pilipinas.

~*~

JANA

NAKAKAHIYA.

Sobrang kahihiyan ang inabot ko. Alam niyo kasalanan 'to ni Ada. Bakit ba kasi 'di niya pinapatahimik yung utak ko?!

Ayoko na sana ikwento sa inyo kung ano nangyari, pero sige na nga.

Flashback

Diba guys napagsaraduhan ako ng elevator kasi nga napa-nganga ako doon sa babaeng naka side view. Hindi talaga ako pwedeng magkamali e. Si Ada talaga 'yon.

Ang ginawa ko, sa Fire Exit ako dumaan kahit hindi ko alam kung anong floor bababa si Ada. Bawat floor na naaakyat ko, tatakbo ako sa hintuan ng elevator para tignan kung nakababa na ba siya.

Hingal na hingal na ako sa kakatakbo at kaka-akyat ng hagdan kahit 7th floor pa lang yung naaakyat ng elevator. At nakakainis lang kasi parang di nababawasan yung tao sa elevator kasi masikip pa rin, 'di pa rin ako makasakay. Tapos nakakabwisit pa kasi tuwing dadating ako sa tapat ng elevator, pasara na yung pintuan.

Nung nasa 8th floor na, sa wakas nagsilabasan na yung mga tao sa elevator. 'Pag silip ko sa loob, wala na rin si Ada. Teka, nasaan na yon?!

Buti na lang at kada floor ay may lobby. Nagla-log yung mga unit owners bago sila dumiretso sa kanya-kanyang unit nila. Sa top floor lang walang ganon kasi elite raw yung mga naroon. Naligaw lang ako sa top floor guys.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon