Chapter 13

2.8K 82 0
                                    

SHARA

"Sha, kelan naman natin makakasama ulit si Jana?" Tanong ni Cheska sa'kin.

"Oo nga, kelan ba ulit siya magpapakita?" Sabi ni Amber.

"Sabihin mo sagot niya merienda natin sa susunod ah." Singit ni Rosie.

"Oo mayaman naman siya e. Tutal matagal na siyang 'di sumasama sa'tin kaya siya naman taya." Umiral nanaman ang kadaldalan ni Paul.

"Ano ba kasing pinagkakabusyhan niya?" Tanong ni Roxy habang nanonood ng K-Drama.

"Yung work ba? School? O baka naman yung Ada?" Sabi naman ni Emy.

Nandito kami ngayon sa terrace ng pinatayo naming tambayan sa bakuran ng bahay namin. Si Jana lang ang kulang sa squad namin.

Namimiss ko na nga yung babaeng 'yon. Masyado na yata niyang sinusubsob ang sarili niya sa pag aaral at trabaho. O baka sinusubsob yung sarili kay Ada.

"E kasi may board meeting sila bukas kaya hindi siya nakasama dito ngayon." Malungkot na sabi ko sa kanila.

Sila ang iba pa naming kaibigan ni Jana. Since High School ay kami-kami na ang magkakasama.

Si Francheska Mallari, ang pinaka maingay at pinakabata sa amin. Si Amber Cauilan naman ang pinaka sadista at pinaka sosyal sa amin. Si Rosie Bok naman ay ang pinaka matanda samin kaya siya ang ate ng grupo. Si Paul Medina ang nag iisang lalaki sa squad namin, hindi namin mawari kung lalaki ba talaga siya. Si Roxy Pangilinan naman ay ang pinaka addict sa mga Korean novelas at K-Pop groups. At si Emy Tanguyan naman ay ang pinaka guligol sa amin.

Mabalik kay Jana, hindi ko talaga alam kung ano bang pinagkakaabalahan niya. Nakausap ko lang siya sa phone kanina kaya nalaman ko ang tungkol sa board meeting.

"Ano ba talaga si Ada at Jana?" Sabay-sabay na tanong nila sa akin.

Ma-issue talaga 'tong mga kaibigan ko. Pero kahit ako mismo, di ko alam ang namamagitan sa dalawa. Hindi kaya sila?

Hay naku. Masama itong iniisip namin. Kaibigan namin si Jana, hindi dapat namin siya pagkaisahan.

Bumalik sa kanya-kanyang interest ang mga kaibigan ko at ako naman ay iniisip si Jana. Kamusta na kaya siya?

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip nang mag ring ang phone ko.

Hindi nakaregister sa phonebook ko ang numero kaya hindi ko ito sinagot. Hindi naman namin ugaling sumagot ng tawag mula sa unregistered number.

Makalipas ang ilang oras ay isa-isa ng umuwi ang mga kaibigan ko. Magkakalapit lang naman kami ng bahay dahil nasa iisang village lang kami nakatira. Si Jana lang ang napalayo dahil naka-condo si gaga. Mayaman kasi e. Hahaha!

Muli nanamang tumawag ang number pero hindi ko pa rin ito sinasagot.

Sino ba kasi 'to bakit tawag ng tawag?

Itetext ko na sana ang number para kumpirmahin kung sino ito pero bigla akong tinawag ni Mama.

"Shara Mei may bisita ka!! Nandito sa baba si Lucy!!" Sigaw ni Mama na nanggagaling sa mismong bahay namin.

Sino daw? Lucy? Sinong Lucy?

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon