Chapter 46

342 20 0
                                    

JANA

I decided na sa family muna ni Ada sabihin ang tungkol sa amin. Confident kasi ako na tanggap ng family ko kung ano man ang meron kami. Dahil ever since, supportive sila sa akin, sa amin ni Kuya.

Sobra akong kinakabahan sa pag inform sa family ni Ada na kami na. Lalo na kay tito Adrian. Baka kasi biglang sabihin na yung kuya na lang ni Ada ang jowain ko. Salamat na lang sa lahat Ada Gaile kung ganoon. Charot. Syempre auto pass na sa lahat, Ada na 'yan oh.

Kaya pala ako pinapunta ng ganito kaaga nitong si Ada ay dahil ipapakilala niya ako sa friends niya pati doon sa pinsan niya at sa asawa nito. Sobrang sarap sa pakiramdam na tanggap ako maging nung mga inglesera niyang friends. Sa totoo lang, hindi ko masyadong maintindihan mga pinag-uusapan nilang tatlo kanina dahil puro English at may accent pa. Nakikinig lang ako pero may internal bleeding na ko sa utak noon. Basta, tumatawa naman sila at tumalon pa yung isa, edi ibig sabihin masaya sila. Hehehe.

"Walang hiya ka, bakit mo inubos yung pancake ko? Di'ba I told you to get your own breakfast?!" Asar na sabi ni Ada nung makita na wala ng laman yung plato.

Ang bilis magbago ng mood nito, kanina lang may pa-kiss kiss pa sa pisngi ko. Kahit kelan ang maldita.

"Parang di mo naman jowa yung kumain. Grabe ka." Malungkot kong sabi.

"Walang girlfriend girlfriend pagdating sa pancake." Sabi nito sabay irap.

Presenting, Ada Gaile, ang kontrabida ng taon.

Niligpit ko na lang yung pinagkainan ko.

"Saan mo dadalahin 'yan?" Masungit nitong tanong.

Itong babae na 'to parang dragon. Laging mainit ulo. Pinaglihi ata 'to sa mood swings. Char.

"Ibabalik ko na ho sa kusina ninyo, madam. Ikukuha ko ho kayo ng bagong pancake." Malambing pero sarcastic kong sabi.

"Wag na, pangalawa ko naman na yung inubos mo e. Iwan mo na 'yan, iuutos ko na lang sa maid. Punta na tayo kay Dad." Sabi nito habang nililigpit ang laptop niya.

Aasarin ko sana siya dahil sa katakawan niya, pero muntik ko ng mabitawan ang tray na kanina kong bitbit nung binanggit niya ang "Dad". Ito na 'yon, wala ng atrasan.

Dumiretso na kami sa office room ni Tito dito sa bahay nila. Kahit nung nasa TIPTOP pa ako, madalas na dito lang nag o-opisina si Tito lalo kapag nandito ang mga anak niya.

Kumatok na si Ada sa pinto at nagsabi si Tito na tumuloy kami. Pero bago buksan ni Ada ang pinto, hinawakan ko siya para pigilan.

"Wait lang, kinakabahan ako. Natatae ako na ewan." Totoong sabi ko.

Ngumiti lang ito at hinawakan ang kamay ko.

"Wag mo ako ngiti-ngitian Gaile, yung puso ko lalabas na ata sa katawan ko." Nag-aalala kong sabi.

"Don't be nervous, kahit anong sabihin nila, ako pa rin may hawak ng decision para sa sarili kong buhay."  Seryosong sabi nito.

Napabitiw na lang ako ng malalim na hininga bago tuluyang buksan ni Ada ang pinto papunta sa langit. Char. Baka katapusan ko na kasi.

"Hi Dad." Bati nito sa ama.

The AntagonistDonde viven las historias. Descúbrelo ahora