Chapter 12

2.8K 93 0
                                    

JANA

Tatlong linggo. Tatlong linggo na rin ang nakalipas mula nang tulungan ko si Ada noong magkasakit siya.

Tatlong linggo na rin akong nagsa-suffer dahil may kakaibang dulot sa akin ang babaeng iyon. At hindi ako natutuwa -_-

Sinabi sa akin ni Ada ang dahilan kung bakit ayaw niyang ipaalam sa pamilya niya na nagkasakit siya. OA daw kasi sila at iisipin na baka anong nangyari sa kanya, baka ipa-hospital pa raw siya.

Isang linggo makalipas ang gabing iyon, hindi ko na maasahan si Ada sa opisina. Hindi ko tuloy alam kung sinasadya niya ito dahil kampante siya kasi kumpanya naman nila iyon.

Pero hindi kalaunan ay nalaman ko ang dahilan. Kontrapelo talaga siya sa buhay ko. Imbis na pag uwi ng condo ay nagpapahinga na ako, inuuwi ko ang mga trabaho na dapat ay sa kaniya.

Nakakainis siya!! Sobra!! Gusto ko siyang sabunutan at sampalin. Nakakabwisit yung dahilan kung bakit hindi ko siya mapakinabangan sa kumpanya.

Flashback

"Jana, anak. Can you take home these papers. I need these tomorrow." Tito Adrian said and gave me the papers.

Nang i-check ko ang mga ito, nakunot ang noo ko dahil kay Ada naka-assign ang mga ganitong trabaho.

"Tito, hindi po ba kay Ada ang trabaho na 'yan? Nasaan po ba siya?" Bakas ang pagka irita sa tono ko.

"Pasensya ka na, Jana. Matigas kasi talaga ang ulo ng batang iyon. Hindi ko nga alam paano ipapamana sa kanya ang kumpanyang ito kung hindi siya maasahan ngayon pa lang. Pero napagkasunduan kasi namin ng tita mo na sa bunsong anak ibibigay ang pinaka malaking kumpanya." Pagpapaliwanag ni tito.

Bukas ay may board meeting kaya alam kong kailangan talaga ni tito ang mga papel na ito kaya hindi na ako tumanggi na iuwi ang mga ito.

"Salamat, ija. Sana ay maging parte ka talaga ng pamilya namin para alam kong may pupuntahan ang kumpanya. Pagpasensyahan mo na talaga si Gaile. Dumating kasi yung mga kaibigan niya mula San Diego. Yung bata na 'yon talaga." Napakamot na lang ng ulo si Tito at ngumiti na may pag aalangan at hiya sa akin.

End of flashback

Dis oras na ng gabi, trabaho pa rin ang inaatupag ko. Samantalang yung maingay kong kapitbahay ay mukhang nagsasaya kasama ang mga kaibigan niyang imported.

Bwisit talaga sa buhay e.

~*~

ADA

"When can we meet this Jana girl?" Krein asks me.

When I heard her name, I got preoccupied. Three weeks pass since I got sick. Natuto na akong mag Tagalog somehow. Three weeks na ring umiiwas sa akin si Jana and I don't even know why.

"Right.. so earth to Ada." Loise said while tapping my cheeks.

We're in my unit. My friends are here for a vacation and they come to visit me.

Krein Hailey Soriano and Loise Alexa Dizon are my friends. They're from San Diego. They said they'd missed me, so yeah, here they are.

"She's too busy; I don't think you can meet her here before you can go back to San Diego." Walang emotion kong sabi.

Nahihiya ako kay Jana kasi I've been busy these past few days because of these two. Hindi ko tuloy siya natutulungan when it comes to the company.

"Is she like your best friend here?" Tanong ni Krein.

"Yeah, I guess? Well, somehow." I answered.

"That's way too vague to understand." Loise said while crossing her arms.

I don't know. Is she my best friend? More like, she's my best enemy. I like it when she gets pissed because of me.

"Or maybe your lover." Krein said and laughed out loud.

What did she just say?

The AntagonistWhere stories live. Discover now